Love kita Secret Lang*
Chapter21Paggising ko ng kinabukasan,sumilip ako sa sala,wala na si Jed.nakatupi ang ginamit niya sa tinulugan niyang sofa.Dumiretso na ako sa kusina,naririnig kong nandoon si Nanay.
"Gising ka na pala..mag almusal ka na..Si Jed nga pala isinama nang Tatay mo sa bukid.pumilit na sumama eh..Alam mo gusto ko yang boyfriend mo ha..Gwapo na mabait pa.."
"Talaga Nay?"
"Oo,kumusta naman ba ang pag aaral mo?baka naman,puro yung gwapong yan ang inuuna mo."
"Naku Nay,hindi po..Marami po akong inaasikaso na mga gawain ni Maxine sa school..kaya Second priority lang siya.."
"Weh?sa gwapo niyan naku!"
"Nay naman eh!Nay,anong magagawa ko diyan?"
"Magluto na tayo,para mayamaya mahatiran nang pagkain ang Tatay mo at ang boyfriend mo.."
Lumapit ako kay Nanay saka ko siya niyakap sa likod.
"Thank you Nay ha,hindi kayo nagalit na may kasama ako dito..nahihiya nga po ako.."
"Malaki ka na,lahat nang tao dumadaan diyan.kaya hindi ka namin pipigilan.wag ka lang gagaya sa akin."
"Na ano Nay?"
"Ha,wala..gayatin mo na yang mga gulay na yan.."
Katanghalian na nang maghatid kami nang pagkain kina Tatay.Nasa ilalim na nang mga puno ang magsasaka at nagpapahinga.
"Anak,si Jed..tawagin mo na.."
Nasa gitna pa nga nang bukid si Jed,nag iisa na lang siya doon..
"Jed!!!"
Hindi niya ako marinig kaya lumakad na ako papunta sa kanya.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko,nung makita ko ang itsura niya..puro putik ang katawan niya..magkasingdumi sila nung kalabaw na hawak niya..Pulang pula ang mukha niya.Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa itsura niya.
Niyakap ko siya kahit puro putik sya.."Aahh..wag mo akong hawakan puro putik na ako..puro pawis pa.."
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Novela JuvenilAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?