chapter 42

37 2 0
                                    

Love kita Secret Lang*
  Chapter42

Sa isang restobar kami tumuloy,medyo pagabi na kasi medyo marami rami ng taong dumarating..nakakapit sa akin si Maxine,habang libot ang tingin..

Mayamaya nanakbo na halos kaladkad na nga ako.

"Ram!! Yumakap siya kay Ram saka lumingon sa akin..ngumiti naman si Ram..

"Mas gumanda ka nga ngayon.."

"Thanks Ram.."

"Nasan na sila?.."

"Maya maya lang andito na ang mga yun.."

Umupo si Maxine sa tabi ni Ram,pero parang hindi nagbibitaw ang kamay nila,holding hands talaga?..

"Ayan na sila!..

Lumingon ako sa tinitingnan nila..magkakasama nga sina Effy,si Thirdy na may kaakbay na babae..si Ryan!..at syempre..yung lalaking lagi ng laman ng isip ko,kahit nakasimangot pa siya na halos nakakunot na ang noo..siya pa rin ang pinakagwapo sa paningin ko..mukhang galing siya sa opisina,tinanggal lang niya yung coat na nakapatong sa damit niya..palapit na sila sa pwesto namin,nanlaki ang mata ni Ryan,pagkakita sa akin..

"Ynah!"sabay yakap niya sa akin..as in hindi na ako makahinga..
Katabi lang namin si Jed,kitang kita ko sa mata niya na parang nagulat din siya pagkakita sa akin,pero bigla niyang inilayo yung tingin niya nung yumakap si Ryan sa akin..

"Ynah,lalo kang gumanda.."

Lahat naman sila nag hi sa akin,yung isa lang siyempre ang hindi,umiwas pa nga siya nga ng tingin.
Pero barkada na talaga nila si Ryan?dati lang ng nag iinisan yan ni Jed..pero para akong nasa hotseat,ako lang ang tinatanong nila..
Magkatabi kami ni Maxine,sa kabila ko naman si Ryan,katabi naman ni Maxine si Ram,bale katapat ko si Jed..pero lagi namang sa malayo nakatingin..

"Wala pa ba si Blessie?..tanong nina ram kay Effy..

"Yung babaeng yun,wala ng ipagbabago,Ynah yang kaibigan mo..lagi ko na siyang kunsumisyon ngayon.."

Panay naman ang tawanan nila,parang late talaga na talaga ako sa balita andami na palang nangyari,wala akong kaalam alam..

"Oo,nga pala antagal nawala ni yna,nagkabalikan na yang si Effy at saka ang bestfriend mo.."
Kwento ni Maxine..

"Talaga.!!..

Pagulat kong tanong,pero masaya talaga ako,kasi alam ko namang mahal nila ang isat isa..

"Tssk..bakit ba kailangan niyo pa yang sabihin sa kanya,kung intresado siya sa buhay ng mga kaibigan niya,hindi niya puputulin ang communication niya sa lahat.."
Sagot ni Jed,sabay tungga nung alak na nasa harap niya,pero hindi pa rin tumitingin sa akin..nakatingin lang siJang lahat kay Jed,saka iniba ang topic ng kwentuhan..

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon