Nakakailang kanta na siya..mukha namang nag eenjoy ang mga manonood.."Ito pong huli kong kanta,gusto ko idedicate sa taong gustong gusto ko nang makita..para sa yo to.."
Napaayos ako ng tayo,para sa akin ba Ynah?
Halata ko sa boses niya na parang naiiyak na siya."Ynah..im sorry."alam ko ako ang dahilan ng pag iyak mo.
Is it okay if i call you mine
Just for a time
And i will be just fine
If i know that you know
That im wanting needing your love..
If i ask you is it alright
If i ask you to hold me tight
Through a cold and dark night
Cause there maybe a cloudy day in sight
And i need to let you know
That i might be needing your loveTuluyan ng bumagsak ang pinipigil niyang luha,halata sa kanta niya na nasasaktan siya. Gustong gusto ko ng umakyat sa stage at yakapin siya ng mahigpit.At hindi na ko na siya muling bibitawan pa.
And what im trying to say
Isnt really new its just the things that happen to me
When i reminded of you...Nang matapos yung kanta,pinunasan niya ang luha niya.
Habang nagpapalakpakan at naghihiyawan ang mga nanonood
Nagmamadali na siyang bumaba ng stage..
Sinundan ko na siya..Ynah's pov
Pagkatapos kong kumanta hirap na hirap ako,ambigat bigat ng dibdib ko na tila gusto ng sumabog.
Bakit ba naman kasi lahat ng kinanta ko sakto sa nararamdaman ko..Hinihingal akong tumigil sandali sa paglalakad.
Ang ganda ng mga bituin,tila may magandang ipinahihiwatig ang bawat pagkinang nito.
Pinunasan ko na naman ang luhang tumulo sa pisngi ko.Ah,hanggang kelan ba ako magiging ganito.Nagpatuloy ako sa paglakad,gusto kong lumayo sa nagkakasiyahang estudyante.gusto ko munang mapag isa.
Nagulat ako ng biglang may humila sa braso ko."Jed?...jed!!
Mabilis ko siyang nayakap.Miss na miss ko na sya.kung nanaginip man ako,ayoko munang magising,gusto ko pa siyang makasama.
Nakasandal ako ngayon sa malaking puno.Nakadikit ang mukha ko sa dibdib niya,Sobrang higpit ng yakap niya.Kagaya ko din ba ang pananabik na nararamdaman niya?
"Ynah,im sorry.."
Sabi nya sabay hawak sa baba ko para maitapat sa kanya ang mukha ko..
Naramdaman ko na lang na nakalapat na yung labi nya sa labi ko,marahan na marahan parang ingat na ingat..Nag maghiwalay yung labi namin hinawakan nya yung mukha ko,pinunasan yung luha ko na hindi ko namalayang umaagos na naman pala..
Hinalikan nya ako sa noo,sa magkabilang pisngi,sa baba hanggang bumaba sa labi ko.Hindi ako pumipikit,i just want to make sure na hindi ako nananaginip.
Ayokong pumikit dahil baka mawala siya sa paningin ko.Matagal siyang tumitig sa akin,habang hinahaplos ang magkabila kong pisngi..
"Mahal na mahal kita Ynah,hindi ko kaya na wala ka,hindi ko kaya na hindi kita nakikita,im sorry kasi nasaktan kita..im sorry kasi pina iyak kita,sorry dahil hindi ako nagtiwala sa'yo"
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?