Love kitaSecret Lang*
Chapter13Gaya ng dati ang aga ni Jed dumating para isabay kami sa pagpasok.
Mula nung maging kami ganyan siya,ang aga nyang dumarating dito..binabantayan ako sa ginagawa ko..habang nagkakape..
Naghuhugas ako ng pinggan..
Lumapit siya,akala ko maghuhugas lang ng kamay.hinuli niya yung kamay kong basa at puro sabon pa.."Jed!!baka may makakita.."
"Gusto lang kitang tulungan,.."
"Wag na,kaya ko na to,maupo ka na lang dyan,pano ba naman kasi ang aga aga mong pumupunta dito.."
"Kunwari ka pa..pero ang totoo..ang gusto mong sabihin.Jed buti naman nandito ka na..kasi miss na miss na kita.."
Natawa naman ako dun,para pang tumutula yung pagkasabi nya nun..
"Hindi ba?..
"Sira ka talaga,ganyan ba yung itsura ko pag nakikita kita nakakainis ka,.."
"Hahaha,joke lang!!syempre ako yung nagsasabi nun,gusto kitang makita ng maaga eh.."
"Sus,bawi sa kayabangan.."
Hindi ako makapaniwalang makikita ko si Jed na ganito,masaya at mapagbiro.
Kinuha ko yung kamay nyang nagkasabon at itinapat sa gripo,hinugasan ko yun..magkahawak yung kamay namin kasi nga hinuhugasan ko ang kulit niya kasi,parang bata.
Lalo pa syang lumapit sa akin,kaya nakatingala na ako sa kanya..nakatitig lang sya sa mukha ko.
"I love you .."
Nakatitig lang din ako sa kanya..nabigla ako ng makarinig na ako ng yabag pababa ng hagdan,,lumingon si Jed saka bumalik na sa table,sa harap ng kape nya..
"Jed,bababa na si Maxine sandali na lang.."
"Good morning po,-sabi ko
"Good morning tita,"-si Jed sabay humalik kay Mrs.Legazpi..
Tumitig lang ng matagal sa akin si Mrs.Legazpi..Tapos ngumiti din naman..
Maya maya dumating na si Maxine..pinagbukas siya ni Jed ng pinto ng kotse.pagkasakay ni Maxine..sa akin naman sya humarap..nakahawak yung kamay ko sa pinto kaya yung kamay nya pumatong sa kamay ko..
"Max!"
Sabi nya na hindi naman inaalis yung tingin sa kin..pati yung kamay nya na nakapatong sa kamay ko,hindi din niya tinatanggal.
"Max,pakikuha nga yung cp ko nasa ilalim ng upuan.."
Sinabi niya yun nang sa mga mukha ko nakatitig.
Tiningnan ko si Maxine..yumuko sya..para siyempre hanapin ang pinahanap ni Jed.
Nagulat ako nung biglang..
Hinalikan ako ni Jed,sa pisngi..
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?