Love kita Secret Lang*
Chapter28"Ano pang tinitingin niyo?kumain na tayo.."sabi ni jed
Saka pa lang parang natauhan ang mga tao dito..
"Bilisan nating kumain,may games akong iniready para sa atin.."
"Okay masaya yan!!..
"Ano namang games yan? Si ram
"Truth or dare"
"Wow,bagong bago yang naisip mo ah,ilang taon mo kayang pinag isipan yan"- effy
"Kung ayaw mong sumali wag!!..
"Bat naman ako hindi sasali,bagong bago nga yung game na yan?kelan nga lang yan naimbento."
Wala talagang kasawaan tong dalawa na to..
Pumalibot kami sa bonfire..magkatabi kami ni Ryan..sa kabila ko si Blessie tapos si Effy mas lalo tuloy nagbabangayan kasi magkatabi sila.
"Magtutruth or dare tayo..walang secret secret ha..pag ayaw sumagot eto lambanog ang iinumin nyo..!!"sabi ni blessie
"Bakit naman lambanog pa,hindi ba pwedeng yung dala nating alak.." Si effy
"Ikaw pag hindi ka sumagot ng maayos hindi kita paiinumin ng lambanog!!..
"Talaga!!ang lakas ko talaga sa yo..ano na lang ang gagawin ko.."
"Didilaan mo yung apoy!!ano truth or dare!!..
Tawanan lang kami ng tawanan..may hawak kaming isang book tapos kakanta kami pag nagstop ang kanta kung sino may hawak nung book siya ang mag uumpisa tapos tuloy tuloy na kung sino na ang gusto mong tanungin..
Natapos ang kanta..pumikit ako
Na kay Ram pala yung libro,sa totoo lang natatakot talaga ako..Paano kung ako ang tanungin..nagtingin tingin na si Ram kung kanino siya magtatanong.."Thirdy,bakit hindi mo isinama si lalaine?.."
"Ano ba yan ang dali dali naman ng tanong na yan.."
"Kasi para yung bata,wala akong kalayaan..ayan na sinagot ko na"
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?