Love kita Secret Lang*
Chapter9Blessie's pov
Kakainis talaga,
niloloko ko pa naman si Ynah kay Ryan..
lagot daw ako kaya tawa ako ng tawa tumatakbo pa ako ng pumasok sa canteen..Nagulat ako nang may nakasalubong akong tumatakbo,nagkabanggaan kami,nadaganan nya tuloy ako..
Nakakahiya,kasi yung mukha nya nakasubsob sa dibdib ko,may goodness kung makikita nyo lang ang sagwa..
yung lalaki nakayakap sa akin..sa sobrang hiya ko pumikit ako..Hinihintay kong tumayo yung lalaki..bat kaya hindi sya umaalis sa ibabaw ko?nasarapan yata a,gago to ah,kaya nagmulat na ko nagulat ako titig na titig lang pala sya sa akin..
Ang gagong Effy, ang lalaking ayaw na ayaw kong nakikita..sa gulat ko naitulak ko sya ng malakas..anlayo yata ng napuntahan nya..si yna naman nakanganga lang,kahit naman ikaw makakita nganga ka rin sa sagwa ng itsura namin eh..
Tinulungan ako ni yna na tumayo..
lumabas na lang kami.."Okay ka lang?"-Ynah
"Sa dinami dami ng lalaki dito sa campus,sya pa makakabangga ko..nakakainis talaga!!
"Baka destiny talaga kayo!!
"Ano Ynah!!wag mo nang uulitin ulit yan! parang awa mo na ayokong sya ang maging destiny ko..gusto ko ng magmove on.."
Alam nyo naman kahit panget yan minahal ko yan ng todo todo,talaga naman sa kanilang barkada yan ang pinakapangit..ang gwapo kasi nung tatlo..pero malakas talaga ang appeal nya sa babae..yung tatlo kasi ang tatahimik, seryoso sila pagdating sa babae..
Pero nung kami pa ni Effy talagang pinakita nya naman na mahal nya ako..
kaya lang masyado syang naging bilib sa sarili nya na mahal na mahal ko sya..Kahit kasi ilang beses ko na syang nahuhuli na may kasamang iba,hindi ko sya inaaway..
Nasasaktan ako,umiiyak pero hindi ko sa kanya ipinapakita..
ang mahalaga kasi sa akin noon,ako ang ipinapakilala nyang girlfriend..kumbaga sa asawa, ako yung legal wife,kabit lang sila..
pero nakakasawa din pala,nakakasawang magmahal ng sobra sobra sa taong hindi naman pala pinahahalagahan ang pag mamahal mo..Ynah's pov
Nakakasakit talaga sa ulo ang lovestory ni Blessie..
Sa itsura pa lang kasi ni Effy masyado talagang malapit sa babae..
Siya nga lang ang naiiba sa barkada nila,
Hmmn,ibig bang sabihin hindi nya katulad si Jed?Jed...nalulungkot talaga ako pag naiisip ko siya..
Nasasaktan ako sa ginagawa niyang pambabalewala sa akin,
Pero ako naman ang may gusto diba,sabi ko iwasan nya ko,ngayon ginagawa na nya..dapat ba akong matuwa?..Haay,bakit yung mga magboyfriend girlfriend na mga classmate ko,
masasaya sila..bakit sa akin masyado bang kumplikado..
Mahal nya naman ako..Pano ko nga malalaman kung magiging maayos ang relasyon namin kung hindi ko susubukan...
Kung hindi namin susubukan..
Tumayo ako..dapat ba sabihin ko na?Baka maging masaya naman kami diba?
Hindi naman siya magiging distraction sa pag aaral ko diba?tumayo ako tapos nagpabalik balik ako ng lakad..
Tama..bakit hindi ko itesting mahal ko naman sya..
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?