chapter 14

52 4 0
                                    

Love Kita Secret Lang*
Chapter14

Tinawagan ko na si Maxine.
Sabi ko may pag uusapan kami..Nagtataka man sya pero sa huli pumayag din naman siya.
Sa isang restaurant malapit sa school
ang napili kong place para makapag usap kami ng sarilinan...

Nakangiti sya nung makita na ako..parang ayos na ayos pa sya ah,mukhang nagpalit pa ng damit.naka uniform siya kanina.kaya pala natagalan siya ng pagpunta dito.

"Mukhang importante ang sasabihin mo ah,lagi naman tayong magkasama bakit dito pa natin kailangang mag usap.."

"Ahhm,Max..

"Ano ba yun,Jed?..

"Max..alam ko naman..yung nararamdaman mo sa akin..gusto ko sana..tumigil ka na..hindi mo makikita ang talagang nagmamahal sayo,kung laging ako ang tinitingnan mo.gusto kong maging masaya ka.."

Umpisa ko pero hirap na hirap talaga ako,ang hirap palang mambasted,lalo at kaibigan ko pa..

Yumuko sya at parang naiiyak..

"Bakit mo ngayon sinasabi yan,jed?matagal mo nang alam di ba?pero hindi mo yan sasabihin sa akin kung wala kang dahilan.."

"Wala akong ibang dahilan maxine,gusto ko lang matapos na ang paghihintay mo sa akin,ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin.."

"May gusto ka na ba?may mahal ka na?..hindi mo yan sasabihin sa akin kung wala..
Kasi matagal na kitang mahal,alam mo yun,pero hindi mo ako pinagbabawalan..hindi mo ako pinatitigil!"

Umiiyak na si maxine,,nilapit ko ng kaunti yung upuan ko sa kanya,tapos tinapik tapik ko yung likod nya..

"Im sorry,hindi naman kita iiwasan e,ang gusto ko lang makakita ka na ng taong magmamahal sayo yung kaya niyang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo."

Umiiling iling siya habang patuloy ang pagpatak ng luha niya.
Ayoko din naman na makita siya ng ganito,pero magiging unfair ako sa kanya.mabuti na yung tumigil na siya,masasaktan pa din kasi siya sa bandang huli.

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon