Chapter 51

38 3 0
                                    

Love kita,Secret Lang
Chapter51

Saan ba ako dadalahin ng mga to?si Angel at si Yassi kasi nilagyan ng piring ang mata ko..tama bang pinagbihis ako at inayusan may piring ang mata ko..feeling ko simpleng gown na off shoulder ang suot ko,,tapos hanggang tuhod lang yun, puro pakiramdam kasi e..wala talaga akong nakikita..

Kaunti na lang ang nilakad namin tumigil na kami..
Tinanggal na nila ang piring ko..
Nakapikit pa rin ako,antagal ba namang may takip ng mata ko..

Pero nagulat ako sa nakita ko,nasa dulo ako ng isang garden..tuwid lang siya pero puro magagandang pink fresh flowers ang nandito,nakailang hakbang pa lang ako nung lumabas sina Andrew,kasabay na niya si Yassi at Angel na nakangiti at pumapalakpak,mayamaya lumabas na din ang ilan naming naging classmate dito,at ilan din sa nakasama ko sa company ni Andrew..
Sinesenyasan nila ako na magtuloy tuloy lang sa paglakad..

Nasa kalagitnaan ng garden saka lumabas si Jed,
Gwapong gwapo siya sa suot niyang white na long sleeve..
Makita ko lang talaga siya,parang ang saya saya ng mundo ko..

Nakangiti siya ng lumapit sa akin at abutin ang kamay ko..

"Jed.."

"Sssh..mula ngayon hindi mo na ako matatakasan..because you will be my wife now..Mrs.Yna San Miguel..
I Love you.."

Nakangiti ako pero may luhang gustong pumatak sa mata ko..hindi ito pumasok sa isip ko,na kararating niya lang dito,tapos pakakasal na agad kami..
Pinunasan niya ang mata ko,

"May reklamo ka ba Mrs.San Miguel?.."

"Wala si nanay at si tatay.."

"Kasal to,para sa mga friends mo dito..they been a part of your life,ng ilang taon..magpapakasal din tayo sa pilipinas pag uwi natin.."

Tumango lang ako saka lalo nang tumuloy ang luha ko..nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang marating namin ang dulo at nandun ang paring magkakasal sa amin..

"Wag ka nang umiyak,baka akala ng pari,shotgun wedding to.."
Nakangiti naman siya.nandito na kami sa harapan nung ginawa nilang altar,sabay punas na naman sa luha ko..

"Masaya lang ako,kami ni baby..akala ko kasi hindi ka niya makikilala.."

"What??.."

"Sssh..baka akala ng pari,nag aaway tayo..sige baka hindi tayo niyan ikasal.."

"Wait..did i heard it right?..

Tumango ako..nanlalaki na nga ang mata niya eh..
Siyang dating ng pari,sa akin pa din siya nakatingin..parang hindi makapaniwala..

"Lets begin our..."mag uumpisa na sana yung pari..

"Wait!!.."nagbago ba ang isip niya?..
Gulat na gulat na din ang mga tao..
Sabay buhat sa akin..sa bewang ko nakayakap tapos nakatayo ako..nagulat ako,nagpalakpakan pa nga yung mga bisita..

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon