chapter 41

35 3 0
                                    

Love kita Secret Lang*
Chapter41

Pagkatapos naming mag usap ni Maxine,nag ayos lang ako ng kaunti..gumayak na ako pauwi sa probinsya..gustong gusto ko ng makita si nanay at si tatay..

Pagkababa ko pa lang ng bus,sinalubong na nila ako..si tatay ang ganda na ng katawan,mas mataba pa nga siya ngayon kesa noon..nagmano ako sabay yakap sa kanilang dalawa..
Nilibot ko ang paningin ko,hindi ba ako naliligaw?yung kubo namin,ngayon hollowblocks na.

"Anak,pumasok muna tayo para maipaliwanag namin sayo.."

"Nung umuwi kami galing sa America,ganito na tong bahay na to..ipinagawa ni Eduardo,yung lupa natin na naisanla..tinubos na niya at binili pa niya hanggang dun sa hanggahan,para daw mas lumawak.."

"Ayaw naman na sana naming tanggapin anak,pero alam daw niya na yan ang makakapagpasaya sa yo..pag nakita mong maayos kami.."

"Tama nga po siguro siya ,masaya po ako para sa inyo..pero gusto ko nga po sana ako ang magbibigay sa inyo ng ginhawa.."

"Ano,kaba anak,nakikita mo ba yung dalawang handtractor na ginagamit nung tiyo paeng mo..?galing sayo yun anak..yung ipinadadala mong pera,ibinili ko niyan..pati yung truck na ginagamit natin pagdeliver ng palay sa ibat ibang lugar..hindi namin yun mabibili kung hindi dahil sa yo.."

Natutuwa talaga ako sa nalaman ko maayos na ang buhay nila..ginawa talaga lahat ni Mr.legazpi ang lahat ng makapagpapasaya sa akin.

"Tay,ang gwapo niyo po,dapat dun nalang po kayo tumira sa amerika..kasi gumwapo kayo,si nanay din gumanda.."

"Sus,ang galing mo ng mambola..anak.."

Tawanan na lang kami ng tawanan..
Tinawag na din namin lahat ng tito at tita ko pati mga pinsan ko,para sabay sabay kaming kumain,para maibigay ko rin sa kanila yung pasalubong ko..

"Oo nga pala Ynah..nagkausap na ba kayo ni Jed?.." Tanong ni tiyang celia..bakit yung pagkakasabi niya kay jed..parang close sila ah..pero anlakas talaga ng kabog ng dibdib ko marinig ko lang ang pangalan niya..

"Alam mo ba Ynah?palagay ko mahal na mahal ka talaga niya,..
Si tiyong delfin naman ang nagsalita..
Nung wala ka kasi..tumira siya dito..mahigit nga yatang dalawang buwan e..naaawa talaga ako sa batang yon..umalis lang siya nung masabi ng nanay mo sa telepono na nasa newyork ka daw".

Ginawa talaga ni Jed yon?..hindi ko alam na kayang gawin ni Jed ang mga bagay na yon..dahil sa akin..idinitalye pa nila yung mga ginagawa ni Jed,noon dito..kubo pa naman ang bahay namin nun..mapapatawad niya pa kaya ako?

Sundin ko na lang kaya ang suggestion ni Maxine..mahal na mahal ko pa rin si Jed,pero kung hindi na niya ako mapapatawad,
At least naitry ko ang best ko..tama yna,fighting!!may kasalanan ka..sinaktan mo si Jed..siguro nga kailangan kong kumilos para mapatawad niya ako..step by step..

Gabi na non,plano ko ng umuwi sa maynila..kinabukasan,doon na ako maghahanap ng trabaho..nasa labas ako,napakasarap kasi ng dampi ng sariwang hangin sa balat ko..naramdaman kong may lumapit sa akin..niyakap niya ko galing sa likod..

"Nay.."ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko,isinandal ko din ang ulo ko sa ulo niya saka niya tinapik tapik ang kamay ko..

"Anak,nakita mong okay na kami ng tatay mo..wala ka ng ibang aalalahanin kundi ang sarili mo na lang..ang gusto ko,hanapin mo naman ang makakapagpaligaya sa yo..mahal na mahal ka namin anak..siya ba ang makakapagpaligaya sa yo?.."

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon