Love kita Secret Lang*
Chapter20Authors note
Hindi ko akalain na kaya ko pang pahabain ang istoryang ito,tuloy tuloy na sya sa utak ko..salamat po sa mga bumabasa paramdam naman po..votes and comments..happy reading!!
****************************
Sumakay na ako sa bus,Yung gusto kong pwesto..sa tabi ng bintana..
Buti naman yung lalaking katabi ko hindi siya dun umupo..dalawahan lang kasi yung upuan.Natutulog naman siya, may nakatakip na malaking towel sa mukha..
Kaya nagdahan dahan ako ng pag upo.
Parang nakakaamoy ako ng pamilyar na amoy?
Napangiti ako..Hindi pa umaalis ang bus sa Maynila,namimiss ko na agad si Jed.pabango niya kasi ang naaamoy ko.
Hindi naman ako kaagad nakakatulog sa bus,nagsaksak muna ako ng headset sa tenga.Nakalabas na yata ng maynila yung bus,saka ko naisipang matulog..
Ang sarap yata ng tulog ko dahil sa amoy ni Jed na hindi mawala wala sa ilong ko..hmmn..Nag stop over yung bus,kaya naggising ako.
Nagbabaan muna ang mga pasahero,tatayo sana ako..teka lang..bakit yung kamay ko,hawak nung lalaking katabi ko?Hinila ko..pero,ang higpit ng pagkahawak niya sa kamay ko..
Lord,baliw pa yata ang nakatabi ko..mahaba haba pa naman ang biyahe namin.
Inalog alog ko yung lalaki para magising..pero ayaw pa din..
Gusto ko na ngang umiyak..Hala,ano nang gagawin ko?
Manyak pa yata ang katabi ko..
Sana pala,isinama ko na nga lang si Jed.
Umupo ulit ako sa tabi niya.hihintayin ko na lang sigurong magising siya.
Pero..Inilapit ko ang ilong ko sa lalaki..Siya ang nangangamoy nang katulad kay Jed?
Alisin ko kaya yung towel na nakasaklob sa kanya?
Pano kung hindi?waahh!di nakakahiya.
Hindi na lang ako umimik.tutal mabango naman siya,pagbibigyan ko muna siya.Hanggang sa magsakayan na ulit ang pasahero.hindi pa rin nagigising itong baliw na katabi ko.
Kung hindi lang niya kaamoy si Jed ko..nako..Isinumbong ko na ito sa konduktor para magulpi.Nagulat ako nang sumandal pa ang ulo niya sa balikat ko!
Sobra na to ah!Malakas ko siyang itinulak.Siguro naman magigising na siya."Ahh..Ganyan ka ba sa katabi mo?Kahit natutulog,iniistorbo mo.?"
Bigla niya akong niyakap palapit sa kanya..hindi pa rin ako makakilos.
Jed?"Antok pa ko e,pwede matulog muna tayo?hinatid ko si Mommy sa Airport..ang aga niya akong ginising.."
Nanlaki yung mata ko..nandito talaga siya?
Lalo ko siyang inalog ng inalog.."Anong ginagawa mo dito..jed!!"
"Mahal,ganyan ka ba talaga sa katabi,nang iistorbo ka..hindi na kita tatabihan.."
Nagsasalita siya pero nakapikit pa din..mukha talaga siyang antok na antok.
Akala ko sa france ang punta nito..hindi naman siguro siya makakapunta dun ng nakabus..Hinayaan ko na lang muna siyang matulog ulit..mamaya paggising matatanong ko din yan..
Bago naman ang susunod na stop over nagising na siya..hindi ako umiimik,tinangal niya yung nakatakip na tuwalya sa mukha niya,tapos inakbayan niya ako..
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?