Chapter 52

44 1 0
                                    

Love kita Secret Lang
Chapter52

Pagdating namin sa Pilipinas,sa bahay nina Jed kami unang dumaan,dahil masama ang loob sa akin ng mommy ni Jed,dahil sa ginawa kong pag iwan kay Jed,matagal pa namin itong napaamo,kung hindi pa namin sinabi na mag kakaapo na siya,hindi pa niya siguro ako matatanggap..

"Kung ganon,will you promise me that you will never hurt my Jed,anymore?"tumango ako

"Tita,sorry po..hinding hindi ko na po iiwan si Jed.."

"Mom.."

Saka itinaas ni Jed ang kamay namin para ipakita ang wedding ring namin..

"Mom,sinigurado ko ng hindi na niya kami iiwan ni baby.."

Lumapit sa akin ang mommy niya saka ako niyakap..

"alam kong ikaw lang ang makapagpapasaya sa anak ko..welcome to our family Ynah.."

kumindat pa sa akin si Jed saka nakiyakap din sa amin..

Hindi muna kami pinaalis ni Tita Jane sa bahay,ahhm mommy pala,siyensya di pa sanay.. pinagstay niya muna kami dun ng 1 week bago kami tumuloy sa mga magulang ko sa probinsiya..kasama namin siyang umuwi para makapag usap daw tungkol sa kasal namin dito sa Pilipinas..

Siyempre tuwang tuwang si nanay at tatay nung dumating kami,naging malaking pamanhikan ang nangyari ng magsidating ang mga tiyuhin ko at lahat na ng kamag anak nina nanay,dahil dito naman sa probinsiya namin halos lahat yata magkakamag anak,kahit nagsimula pa sa kanunununuan..

Napagplanuhan din nilang dito na nga ganapin ang kasal,at sa isang araw na agad..wala namang problema kasi halos pati ang nasa simbahan at munisipyo mga kamag anak ko na ang bahalang mag aasikaso..

"Anak,"hawak hawak ni nanay ang kamay ko habang natatanaw namin sina Jed,at sina tatay na nagiinuman at nagkakatuwaan sa maliit na kubo na nasa harap ng bahay namin.

"Masayang masaya ako na siya rin ang makakatuluyan mo..alam ko kung gaano kayo nahirapan noon,kaya sana mas maging matatag pa kayo sa mga darating na panahon.."

Niyakap ko si nanay..

"Nay..salamat po ha..salamat sa lahat lahat,mahal na mahal ko po kayo,mamiss ko kayo ng husto.."

"Baka pag kasama mo na ako hindi mo na mamiss si nanay?.."

si Jed,natanaw niya siguro kami kaya lumapit siya..

"Nay,salamat po ha..salamat kasi hindi kayo nagdalawang isip na ipagkatiwala sa akin si Ynah.."

"Anak,simula pa lang,nakita ko na kung paano mo napapasaya si Ynah,at marami pa akong alam na dahilan kung bakit alam kong ikaw na talaga ang para sa kanya.."

"Pangako po,aalagaan ko si Ynah,pati ang magiging mga anak namin.."
sagot naman ni Jed.

Iniwan na kami ni Nanay pagkatapos namin mag usap..
Yumakap sa akin si Jed,mula sa likod,nakayakap siya sa bewang ko habang nakapatong yung baba sa balikat ko..

"Hon,hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ikakasal na tayo,sa pangalawang pagkakataon pero para pa din akong nangangarap.."
hinihimas himas pa niya ang tiyan ko habang sinasabi yun..

"I Love you hon.."wala na kasi akong masabi,kasi ganun din ang iniisip ko,kung nananaginip ako,ayoko ng magising..

"And I love you too,hon..habang buhay na kitang makakasama..kayo,ng magiging mga anak natin.."

"Hon?.."

"Yap?"

"Kanina ka pa mga anak natin?ilan ba ang pinaplano mong maging anak natin?.."

"Aah,isang dosena!.."

"Ano?!"

"Hon,kaya mo yun!para masaya..wala akong kapatid,malungkot ako..kaya babawi ako sa baby ko.."

"A,ganun..eh,di ikaw na manganak.."

"Hon,i love you.."Lalo nang humigpit yung kamay niya saka siya humarap sa akin..ilang beses niya akong hinalikan sa noo..ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya..thanks god sa pagbibigay niyo ng isang Jed sa buhay ko..nasulit ang lahat ng paghihirap at pait na naranasan namin..kami pa rin talaga hanggang sa huli..

Bumalik na kami sa mga kamag anak ko,dahil halos naging kaibigan na ni Jed,ang mga tiyuhin at tiyahin ko hindi na talaga naiilang si Jed sa kanila,o makapal lang talaga ang mukha ng asawa ko hehehe,joke lang..

"Jed,ngayon,tunay ka na naming kapamilya!"

"Oo nga pamangkin..akala namin,tuluyan na kayong maghihiwalay ni Ynah..Awang awa kami sayo nang tumira ka sa kubo.
At alam naming gagawin mo ang lahat para maibalik mo si Ynah..saludo kami sayo pamangkin!"

Itinaas pa nina Tiyo ang baso para makipagcheers kay Jed.

"Mahal ko po si Ynah..At yan po ang lagi kong sinasabi..wala dong nagbago..hindi din nabawasan kahit kaunti.."

Pulang pula na ang mukha niya pero mas lalo lang siyang gumwapo sa paningin ko..
Nasasaktan ako pag naririnig ang mga kwentong ganoon..kung paano ko siyang sinaktan noon.
Yung tumira siya sa kubo at parang tangang naghintay sa akin.
Hinding hindi na yun mangyayari ulit dahil hindi ko na siya iiwan.

Nagpaalam siya sa mga tiyuhin ko at lumapit sa akin..

"Hon..matulog ka na..mapupuyat kayo ni Baby..sige ka may eyebugs na yan pag lumabas."

"Jed.."

Nakatitig lang ako sa kanya..gusto kong magsorry nang maraming marami..

Tumingkayad ako..para maabot ko ang labi niya..Hindi naman niya ako ipinahiya kasi gumanti din siya..
Nakangiti siya nang maghiwalay ang labi namin..

"I love you Jed..mahal na mahal kita.."

Hindi ko na napigilan na umiyak.
Pinahidan niya nang daliri ang luha ko..

"Hon.."

"Mahal na mahal kita Jed,Ilang taon tayong nagkalayo pero katulad mo hindi nagbago ang nararamdaman ko..Araw araw akong nasaktan na wala ka sa tabi ko..Araw araw kong pinagsisisihan na iniwan kita kay Maxine.."

"Babawiin natin ang lahat nang panahon na yon..habang buhay."

Tumango ako saka yumakap sakanya.

Hindi niya binibitawan ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa bahay.Hinatid niya lang ako sa kwarto para matulog na kasi mapupuyat daw kami ng baby niya..
Hinalikan niya ulit ako sa labi bago siya nagpaalam at bumalik sa mga tiyuhin ko.

Halos mag uumaga na yata ng maramdaman ko siyang pumasok sa kwarto..
Yumakap siya sa bewang ko saka ako hinalikan sa tiyan..maliit pa naman iyon.

"Baby..lasing na yata si Daddy..wag kang maglikot para hindi mahirapan si mommy ha..mahal na mahal ko kayo ni mommy" saka siya natulog na nasa tiyan ko pa din ang ulo niya..

Siguro,nakagawa ako ng napakabuting bagay nung pastlife ko,kaya si Jed,ang binigay sa akin ngayon..hinaplos ko ang ulo niya himbing na himbing na nga siya sa pagtulog,hinipo ko ang mukha niya,napakagwapo niya talaga kahit tulog.
Itinrace ko nang daliri ang buong mukha niya.

"Siguro kung sayo makukuha ni baby ang labi niya,ang mata niya..ang ilong niya,napakagwapo ng magiging anak natin..mahal na mahal kita hon,hinding hindi ko na kayo iiwan,pangako yan.."saka ko siya hinalikan habang natutulog..

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon