chapter 47

36 3 0
                                    

Love kita Secret Lang*
Chapter47

Ilang araw kaming hindi nagpapansinan,pagkatapos nung nangyaring sagutan namin,pinipilit ko ngang hindi siya tingnan,kahit minsan natetempt akong tingnan siya,kasi naman maamoy ko pa lang yung pabango niya para gusto ko siyang yakapin e,kaya tama nga lang siguro na magresign na ko pagkatapos ng biyahe namin..

Magkatabi kami sa eroplano ngayon,nagkita nalang kami sa airport,kaunti lang naman ang iniready kong damit tama lang sa two or three days naming pag iistay sa palawan,nagsaksak na lang ako sa tenga ng headset,wala akong balak kausapin yung katabi ko na kasalukuyang may kausap sa  ngayon..natulog lang ako buong biyahe..

Dumiretso naman kami sa hotel na tutuluyan namin,si Jed ang kausap nung nasa reception,parang may pinagtatalunan sila,si Jed kakamot kamot ng ulo,mayamaya lumapit siya sa akin,saka binitbit yung maleta ko,syempre tumakbo ako sumunod ako sakanya..

Hingal na hingal na naman ako,lakad lang niya takbo ko na,hindi ko naranasan yun dati nung kami pa,yung mapagod sa pagtakbo para mahabol siya,kasi binubuhat niya ko..napangiti tuloy ako,ah,erase..bakit ko ba yun naaalala..

Binuksan niya yung kwartong hinintuan namin,ipinasok niya dun yung maleta ko..

"Ito na ba ang kwarto ko?..thanks sa paghatid,you can go.."

Tumingin lang siya sa akin,saka ibinaba yung gamit niya at naupo sa kama..

"Dito din ang kwarto ko,wala ng bakante,akala daw kasi mag asawa yung nagpabook,kaya nung wala na ibinigay na sa iba yung kwarto.."

"Ano?magkasama tayo sa kwarto?..no!!humanap ka ng ibang hotel,marami pa naman dito diba?.."

"E,di ikaw ang maghanap.."

Sabay higa at aktong matutulog na..inalog alog ko siya..

"Jed,ano ba?humanap ka ng ibang hotel..hindi pwede na magkasama tayo.."

"Bakit ba hindi pwede na magkasama tayo?natulog nga tayo na magkatabi noon.."

"What?..noon yun!!..bakit pinaaalala mo pa?!..
Nakapikit pa rin siya,hinila ko na yung braso niya..

"Aah,gusto ko munang magpahinga,gisingin mo ko ng one,may pupuntahan tayo.."
Hinubad niya yung sapatos niya at umayos pa talaga ng higa..

"Wala ka ba talagang planong lumipat ng kwarto?..
Umiling siya..

Malaki naman yung kama,pumunta ako dun sa may pinakadulo..saka ko inayos yung damit ko..itinaas ko din yung paa ko saka ako sumandal sa kama..

Nakatulog na yata ako ng  nakaupo,sa sobrang pagod,teka..bakit parang?..dahan dahan kong iminulat yung mata ko,may nararamdaman kasi ako,si Jed..hahalikan niya ba ko?..malapit na malapit na yung mukha niya sa akin,iminulat ko lang ng bahagya yung isa kong mata,para kunwari tulog pa ko..gusto ko bang mahalikan niya ko?..bakit ganito kalakas ang tibok ng puso ko..palapit na siya ng palapit,pero biglang umatras saka tumayo..

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon