Chapter 53

45 2 0
                                    

Love kita,Secret Lang
Chapter53

Jed's Pov

Tanghali na nang magising ako,naparami kasi ang inom ko kagabi,hindi na ako makatanggi sa mga tiyuhin ni Ynah.
Paglingon ko sa tabi ko,nandito pa din ang misis ko,akala ko baka bumangon na siya..

Napangiti ako,hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na pagtulog at paggising ko kasama ko na ang babaeng pinakamamahal ko..
Parang kelan lang..pinapangarap ko lang siya.
Na makasama ko ulit siya.Na maramdaman kong muli ang halik niya.

Pagkatapos nang nangyari sa amin sa Palawan..Gustong gusto ko nang ipagtapat sa kanya ang tunay na nararamdaman ko..
Na pinipilit ko lang tabunan nang galit ang pagmamahal ko sa kanya.Na gusto ko nang makipagbalikan sa kanya.
Pero umalis nanaman siya,iniwan niya na naman ako.
Sinabi lang sa akin ni Maxine na bumalik na nga siya sa Newyork.
Maraming beses akong nag isip.Pero bandang huli..mas pinili ko pa ring  sundin ang puso ko..

Natutulog siya pero yung kamay niya nakahawak sa kamay ko..
Hinawi ko yung buhok na tumatabing sa mukha niya..
Ito ang buhay na pinangarap ko..
Yung paggising ko nang umaga,mukha niya ang una kong makikita.
Hindi ito mangyayari kung hindi ko siya pinuntahan sa Newyork..
Wala sana siya sa tabi ko ngayon.
Dinampian ko siya ng halik sa pisngi,nagmulat siya.nagising tuloy siya.

"Hon,gusto mo lang talaga ikiss muna kita para magising ka.."

"Tanghali na pala!.."

Tatayo sana siya pero hinila ko siya para mapaupo sa kandungan ko..

"Hon,parang mas gusto ko pang magkulong dito.."Dahan dahan ko siyang ihiniga,saka ko siya hinalikan..

"Hon..maiipit si Baby.."

"Hindi pa buo si Baby..kukumpletuhin pa natin siya..kung pwede naman gawin na nating kambal.."

"Hon!"nakatawa niya reklamo.

Hinalikan ko siya sa labi..kumapit naman ang mga braso niya sa leeg ko..hanggang maihiga ko na naman siya.
Wala akong pakialam kung umaga ngayon..Nakatulog kasi ako kagabi.

"Ynah!Jed!yohoo!andito na kami!"

Nagkatinginan kaming mag asawa.

Ano daw?!..sabay kaming napabangon..pagdungaw namin sa bintana,nandun na sina Effy at si Blessie,si Maxine at si Ram,si Thirdy at yung girlfriend niya..si Ryan nandun din may kasama siya..huh?..nagtinginan kami ni Ynah..saka na lang kami nanakbong bumaba..

"Hon,dahan dahan lang makakalog si baby.."

"Oo nga,sorry hon,naexcite lang ako.."

Walang katapusang kumustahan at kwentuhan ang nangyari,kumpleto kasi sila..si Blessie buntis na din pala,ayaw lang magpakasal,para kung mambabae daw ulit si Effy madali niyang iwanan,siyempre ang sister kong si Maxine,kay Ram din ang bagsak..Nagpaplano na nga rin sila ng kasal kaya lang nauna daw kami kaya next year na sila,si Thirdy magpapatali na talaga this year..pero ang nakakatuwa si Ryan..

"Tol,hindi mo pa ba nakakalimutan ang misis ko?misis ko na to eh..move on din Ryan.."sabi ko kay Ryan habang nakatingin sa girlfriend niya.

"Ano ba kayo..nakamove on na ko..kay Ynah..kailangan niyo pa talaga yang ipaalala.."

"Ynah..si Miles..Miles siya si Ynah.."

"Hi Miles..hindi kaya kapatid ka namin?"nakangiting biro ni Ynah.

"Ow's move on?move on ba yan?nakakita ka lang ng kamukha ni Ynah,hinabol habol mo na.."sagot naman ni Maxine

"Sis,niligawan niya talaga yan kasi kamukha mo.."bulong pa niya kay Ynah.

Nakakatawa naman kasi,para talagang magkapatid yung girlfriend niya at si Ynah..kahit saang anggulo tingnan xerox copy talaga sila..pero at least nasa akin ang original..

Maya maya lang nag umpisa na din ang sayawan
Uso kasi dito ang sayawan,habang gumagabi dumadami ang tao,dahil bukas na nga ang kasal namin halos buong baranggay nandito na..

Abalang abala na nga ang lahat ng tao,yung mga isusuot namin dumating na din galing sa maynila,ipina rush ni mommy sa mga tauhan niya..

Enjoy na enjoy siyempre ang barkada,ngayon lang daw sila naka attend ng kasalan sa probinsiya
Si Bless nga panay ang sayaw taga awat naman si Effy.kasi nga buntis na yun.
Nakakatuwa lang isipin na kahit ang taong akala mo hindi kayang magseryoso sa pag ibig may nakukuha ding katapat,kagaya ni Effy..

"Hon?"si Ynah,sabay yakap sa bewang ko..

"Naiinip ka ba?bat ayaw mong sumayaw?"

"Wala pa kasi ang kapartner ko eh,ngayon nandito ka na.."sabay hinila ko na siya sa gitna..napalitan naman ng lovesong yung rock na tugtog kanina..

Habang sumasayaw kami,nakatitig lang ako sa kanya..nagbabalik lahat sa alaala
ko ang mga pinagdaanan namin,ang lahat ng masaya at malungkot na part ng buhay namin,humigpit pang lalo ang yakap niya sa akin habang magkatitigan kami..

"I love you,Mr.Jed San Miguel..wala na akong mahihiling pa kasi nandito ka na..mahal na mahal kita.."

"I Love you rin po,Mrs.Yna San Miguel..thank you for going back into my life..
Hindi ko na maisip ngayon kung paano ako kung wala ka..mahal na mahal kita..
Hindi na ito sikreto ngayon..kasi kahit sa buong mundo gusto kong ipagsigawàn,na ikaw lang ang babaeng una,at habang buhay kong mamahalin"

Saka ko inilapit ang mukha ko sa kanya para mahalikan ko siya sa labi..
It was the sweetiest kiss i've ever tasted,the kiss that came from a person whom i truly love.
Kahit yata ilang beses kong matikman ang halik niya,hinding hindi ko pagsasawaan.
Dahil siya ang taong pinag alayan at pag aalayan ko nang pagmamahal.
Habambuhay..

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon