Love kita Secret Lang*
Chapter33"Best!grabe!!ang gwapo talaga ni papa jed!!..
Nandito kami ngayon sa gym,may laro kasi sina jed ngayon..kaya niyaya ako ni blessie..nagkakagulo nga ang mga babae..nakatitig lang ako kay jed,napakagwapo talaga ni jed,at mahal na mahal niya ko..alam ko yun,nararamdaman ko..pero sasaktan ko lang siya..
"Best!!nakatingin siya dito!!
Nagtilian yung mga katabi ko dito,syempre kasama si blessie dun..nakatingin kasi siya dito sa amin nakangiti sabay kumindat,bago ishinoot yung bola..lalo ng halos mabaliw yung mga katabi ko dito,sa kasisigaw..
Nung matapos yung game,syempre as usual pinagkaguluhan si jed..nakita niya kami ni blessie,kumaway siya,bago pilit na umalis sa mga nagkakagulong babae..
"Hi,jed..ang galing mo talaga.."
"Thanks,blessie..
"Hi" sa akin naman siya tumingin
Ngumiti ako,tapos kinuha ko yung hawak niyang towel..parang gulat na gulat tuloy si jed,ipinunas ko sa pawisan niyang mukha..mayamaya ngumiti na din siya..si blessie naman,mukhang kilig na kilig.."Ah,best..una na ko ha..baka makaistorbo ako..bye..
Kumaway lang din kami kay blessie..tapos bumalik ulit ng titig sa akin habang nakangiti..
"Maligo ka na,may pupuntahan tayo.."
"Tayo?niyayaya mo ba ako ng date?"
Nakangiting tanong niya.tumango ako..Lumaki lalo ang ngiti niya.Nilingon ko yung mga babae sa paligid,ang sama ng tingin nila sa akin..pinisil niya muna ang pisngi ko bago umalis na para maligo..
Nakabihis na siya nung bumalik,umakbay naman siya sa akin,kaya lalo nang sumama ang mukha nung mga babae..bahala kayo,ito ang gusto ko ngayon,gusto kong iparamdam sa kanya na girlfriend niya ko,na hindi ko pa nagawa dahil nga sikreto lang ang relasyon namin..
"Talaga bang pwede na tayong ganito?..nakangiti siya sabay humarap sa akin..
Ngumiti lang ako saka tumango..
"Yes!!..sumusuntok pa talaga sa hangin..
Napansin tuloy kami ng mga dumadaan nasa campus pa naman kami.."Pre,congrats sinagot ka na ni yna?"
"Oo,pre..thanks.."
Tawa ako ng tawa sa kanya..lahat ng makasalubong namin nag cocongrats..
"Akala nila ngayon mo lang ako sinagot,hindi nila alam magpapakasal na nga tayo.."
"Hah?..napatigil naman ako sa paglakad
"Joke lang,magpapakasal naman talaga tayo ah,hindi pa lang ngayon..ayaw mo ba?"
"A,hindi..ah,wag na lang muna nating pag usapan diba.."
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?