Chapter 3

145 6 0
                                    

Love kita Secret Lang*
      Chapter3

Naglalakad lang ako dito sa Village nila Maxine,malapit lang naman kasi sila sa maingate kayang kaya namang lakarin,ganyan lang ang routine ko sa araw araw. Exercise na din..Kapag sa mga gimik niya na kasama ang kung sino sinong kakilala, hindi niya na ako sinasama.Kaya yun ang nagiging day off ko.Doon ko nagagawa ang magreview at mag asikaso ng mga papel ko.

Malapit na rin kasing magpasukan at matatapos ko na ang ilang unit kong kinukuha..

Muntik na akong mapasigaw nang biglang may bumusina sa likuran ko, akala ko masasagasaan ako.Nasa gilid naman ako..Kinabahan ako nung Tumigil yung kotse sa tabi ko,Wala naman akong ibang kilala dito bukod kina Maxine,Hindi naman niya ito kotse..Binilisan ko ang lakad ko.
Bakit ba kasi naglakad pa ako?may shuttle naman na umiikot dito sa buong Village..
Ang lakas talaga ng kaba ng dibdib ko..
Bumaba yung tinted na salamin saka dumungaw ang nakasakay dito.
Napahinto ako habang nakatitig sa mukhang hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon.Ilang araw nga ba bago ko nakalimutan ang mukha niya.
Nakangiti siya sa akin ngayon.

"Sakay na!!"Siya nga.Hindi ako maaring magkamali.

"Jed...?"

"Yap,akala ko hindi mo ko makikilala,sakay na, ihahatid na kita kina Max.."

"Sa..salamat..hindi ba nakakahiya?Sanay naman akong maglakad"..

Binuksan niya yung sa tabi niyang pinto.

"Tara na,malayo layo pa rin yung lalakarin mo.."

Pagkaupo ko,dumukwang sya para ilock yung pinto ng kotse..Tapos inabot yung seatbelt para maisuot sa akin..

Ilang minuto din ata akong hindi huminga nun ah,para ba naman kasi na siyang nakayakap sa akin,yung mukha ko,nasa leeg na niya para pang nananadya ang tadhana antagal pa nyang naikabit yung seatbelt ko..

Parang wala lang sa kanya..samantalang sa akin grabe na epekto nun..may crush na yata ako dito dahil lang sa picture na nakita ko..pero hindi pwede kasi kay Maxine na siya...

"Ahm,buti nakilala mo pa ako..medyo ilang weeks na rin tayong hindi nagkita ulit" -ako

Ang tahimik kasi kaya inumpisahan ko nang magsalita..

"Hindi naman kita nakalimutan mula noon"-Jed

Hoohh,??ano daw??ako?hindi nya nakalimutan??

"A,..ano?.."napatingin ako sa mukha niya.

"Hahaha joke lang..ba't marami ka bang kamukha sa Maynila..para hindi kita makilala?.."

Nakangiti siya habang sinasabi yon,nakahinga tuloy ako ng maluwag,akala ko tuloy..tuloy ano?akala mo may gusto sya sayo?assuming ka ha..isip ko lang yun..

"Hindi ka naman ba,nahihirapan kay Maxine?may pagkaisip bata kasi yun."

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon