chapter 45

43 2 0
                                    

Love kita Secret Lang*
Chapter45

Ang ganda tuloy ng gising ko kinabukasan..

"Aah..its a bright,bright sunny day today..may nakikita akong rainbow,may mga nagliliparang ibon..ang ganda talaga ng paligid!!.."

"Ynah!!wag ka ngang maingay natutulog pa ko oh..saka panong magkakaroon ng birds dito..saka sunny day?kulimlim nga eh..matulog ka na nga lang ulit.."

"Max..gumising ka na,papasok na ko,ayusan mo ko sige na,saka pilian mo ko ng magandang damit..."

Biglang bangon tuloy si Maxine..saka hinipo hipo ako sa leeg at sa noo..

"Hindi ka naman nilalagnat,ano bang nangyari?.."

"Di ba gusto mo,maging maganda ako sa paningin ni Jed,sige na,pagandahin mo na ko.."

Nakaharap ako sa salamin ngayon,nakadress ako na above the knee ang haba,naka doll shoes lang naman ako,tapos yung buhok medyo ikinurl ni Maxine,saka ako pinahiran ng light make up,feeling ko ang ganda ko na talaga..ngumiti ako sa salamin..

"ang ganda mo na talaga,sis,fighting!!..good luck,pag hindi mo pa naman napaibig si Jed,nakupo..ang ganda ganda mo kaya.."

"thanks,Maxine.."

Medyo tinanghali tuloy ako ng pasok,pero alam ko tumawag naman si Maxine kanina kay Jed na tatanghaliin ako..

Pagpasok ko pa lang sa production area,nakangiti lahat sila,

"ang ganda mo ms.Ynah.."

"Ms.Ynah,ang ganda mo talaga.."

"Ms.Ynah!"

Si Rex yung kasama namin kagabi na gumimik,sumusunod pa talaga sa akin..

"Blooming ka ngayon Ms.Ynah,ang ganda mo.."

Ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila..gustong gusto ko nang makapagpakita kay Jed,siguradong matutulala siya,at pag nagandahan siya,ganito na lang ako lagi araw araw..

Pagtapat ko sa pinto ng opisina niya,medyo huminga pa ako ng malalim..inhale,exhale..kaya ko to..siguradong nandyan na siya sa loob..ginandahan ko ang smile ko..

Pero pagbukas ko ng office niya ako pala ang matutulala,ako pala ang magugulat..gusto kong umatras palabas pero bakit parang hindi makahakbang ang paa ko..
Bakit napakabigat sa dibdib..

Kitang kita ko,ngayon nasa harapan ko..nakakalong kay Jed yung babae,habang naghahalikan sila,hindi lang yata naghahalikan, kasi halos mahubad na yung damit nung babae,making out sa loob mismo ng office niya?..

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon