CHAPTER 4

1.2K 28 2
                                    

TAHIMIK lang akong umiiyak habang nakaupo ako sa sofa na narito sa sala ng bahay ng lalaking hindi ko kilala. I can’t explain the fear my heart feels in these moments. Ang lalaking kumidnap naman sa akin ay naroon sa labas ng sliding door—sa lanai. May kausap siya sa cellphone niya. Kanina ko pa iniisip na tumakbo palabas doon para tumakas, pero para ano pa ang pagtakbo ko palabas kung mahuhuli niya rin ako? Kung wala rin akong mapupuntahan dahil puro dagat naman ang nakapalibot sa bahay niya. I have nowhere else to go.

God! Kung sana nakinig na lang ako kay Giuseppe at hindi ako nagpumilit na tumakas ng bahay, hindi ko sana pinagdadaanan ang lahat ng ito ngayon! Pero sa kabilang banda ay nagpapasalamat din ako na nangyari ito ngayon... kasi kung hindi ako umalis ng bahay, hanggang ngayon wala pa rin akong kamalay-malay na niloloko na pala ako ng dalawang taong pinakamamahal ko. Hindi ko malalaman ang kababoyang ginagawa ni Zakh at Shiloh habang nasa bahay lang ako at nagkukulong doon. Pero hindi ko ipinagpapasalamat na narito ako ngayon sa... ewan kung nasaang sulok ng mundo itong lugar ng lalaking iyon. Hindi ko nga alam kung nasa Pilipinas pa rin ako o nasa ibang bansa na.

“Va bene! Parliamo un altro giorno dei prodotti su cui ci siamo accordati.”

Dinig kong saad ng lalaki sa kausap niya sa kabilang linya. But I did not understand what he said. Ibang language kasi ang gamit niya. Parang Italian ata iyon or Spanish.

“Grazie! Grazie!”

Saad pa ng lalaki saka niya pinatay ang tawag. Nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga bago lumingon sa direksyon ko. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Napatungo ako habang may mga luha pa rin sa mga pisngi ko. Mayamaya ay narinig ko ang tunog ng mga yabag niya na papalapit na sa akin. Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko dahil sa labis na takot.

“I told you earlier that you have stopped crying.”

Wala sa sariling napapikit ako nang mariin nang marinig ko ang magaspang at baritino niyang boses. Doon pa lamang ay labis na ang takot ko... labis na ang pintig nang puso ko. Ano pa kaya kung may gawin siyang hindi maganda sa akin? Please, God! Please help me! Sana hinahanap na ako ngayon ni Papa... nina Giuseppe.

“Stop crying, Ysolde.”

Bigla akong napa-angat ng mukha. Kunot ang noo ko na napatitig sa kaniya. He know me? Kahit nanlalabo ang aking paningin dahil hilam pa rin ng luha ang mga mata ko... pilit ko siyang tinitigan. Kahit nakakatakot ang itim niyang mga mata.

“K-Kilala m-mo ako?” kanda utal na tanong ko sa kaniya.

Pero hindi agad siya nagsalita. Sa halip ay umupo siya sa single couch na naroon sa kaibayong sofa na inuupuan ko.

“Why not?” balik na tanong niya. Dumikwatro pa siya at ipinatong ang mga siko sa armchair ng upuan pagkuwa’y ipinagsalikop ang mga palad.

Tears welled up in my eyes again. “W-Who are you? B-Bakit mo ako kinidnap?”

“Well, let’s just say that... your Dad owes me a lot.”

My forehead furrowed and I stared at his face. May malaking utang si Papa sa lalaking ito? How did that happen? Maayos naman ang negosyo ng pamilya namin. Kahit kailan ay hindi nagkaroon ng problema si Papa. Lalo na tungkol sa pera.

Napailing ako dahil sa sinabi niya.

“Dad never had a problem. Especially in his business.”

Bigla namang tumawa ng nakakaloko at malakas ang lalaking ito. Mayamaya ay bigla ring naging seryoso ang hitsura nito at tumitig din sa akin.

Sa titig pa lamang nito, ramdam ko na ang pagtatayuan ng mga balahibo sa buong katawan ko. Nakakakilabot.

“Ikinulong ka nga ng Papa mo sa mansion ninyo kaya wala kang kaalam-alam na naghihirap na ang ama mo.”

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon