NOTE!!!
3 chapters na lang po ay tapos na ang TRAPPED, at bukas ng gabi ay balak ko ng i-post dito ang GRIPPED Book 2. Kaso... hindi manlang kayo nag-iiwan ng comment after magbasa sa bawat chapter 😂 nakakatamad naman.
***
“WHERE is Ysolde?” tanong ni Hideo kay Cloud nang makabalik siya sa bahay.
“Um, I... I don’t know. Kanina hinahanap ka niya, e!” Kibit-balikat na sagot nito.
Bumuntong-hininga naman siya at saglit na inilibot ang tingin sa paligid upang hagilapin ang asawa. Nang hindi niya ito makita ’tsaka siya naglakad na papasok ng bahay. Tinungo niya ang silid na inuokupa nilang dalawa, pero wala roon si Ysolde. Muli siyang lumabas upang hagilapin ito.
“Mike!” Tawag niya sa isang tauhan niya na nakatayo ’di kalayuan mula sa may pintaun. Kaagad naman itong lumapit sa kaniya.
“Bakit po, boss?”
“Hanapin ninyo si Ysolde.”
“Opo boss.” Kaagad din itong tumalima.
Kagabi pagkatapos ng nangyari sa kanilang mag-asawa, pagkatapos magtapat sa kaniya si Ysolde tungkol sa nararamdaman nito para sa kaniya... bahagya siyang dumistansya rito. God knows how much he wanted to tell her how much he loves her, pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili na gawin iyon. Mas mabuti na talagang ganoon ang sitwasyon nilang dalawa kaysa naman mas lalong masaktan si Ysolde kapag nalaman nito ang sekrito niya.
Kaninang umaga pagkagising niya, sinadya niya talagang maagang umalis sa bahay na iyon para hindi na sila magka-usap ni Ysolde. Inabala niya rin ang kaniyang sarili sa pagpaplano kung paano niya maililigpit si Zakh dahil sa ginawang pagdukot ng lalaki sa kaniyang asawa. Kung anu-anong dahilan na rin ang ibinigay niya sa kaniyang sarili para lamang layuan ang kaniyang asawa, para lamang hindi ito ang maging laman ng kaniyang isipan, pero hindi rin siya nagtagumpay. Kaya nga bumalik na siya sa bahay para kahit papaano manlang ay masilayan niya ito, dahil kung hindi niya ito makikita kahit saglit lang, baka tuluyan na siyang mabaliw kakaisip dito.
“Hindi ba kayo okay ni Ysolde?” tanong ni Cloud sa kaniya nang hindi niya napansin na nakalapit na pala ito sa puwesto niya.
Binalingan niya ito ng seryosong tingin. Kung minsan talaga maypagka-tsismoso itong bayaw niya.
“I mean...” nagkibit ito ng mga balikat. “I’m still her kuya kaya curious lang ako kung okay ba kayo ng bunso namin?”
“We’re okay, Guilherme. It’s just that—”
“Bosing!”
Bigla siyang natigil sa kaniyang pagsasalita nang marinig at makita niya ang isa niyang tauhan na humahangos habang tumatakbo palapit sa kanila ni Cloud.
“What’s the problem!” tanong niya.
“Si Ma’am Ysolde po, kinuha ng mga tauhan ni Zakh!”
“Damn it!”
Sabay pang sambit nila ni Cloud.
“Tawagan mo si Giulio at Giuseppe.” Utos niya kay Cloud ’tsaka siya nagmamadaling pumasok ulit sa bahay. Tinungo niya ang silid at kinuha roon ang kaniyang baril.
***
NAGISING ako na sobrang sakit ng sentido ko. Nanlalabo rin ang paningin ko. Kahit wala akong maaninag masiyado sa buong paligid, pinilit kong ilibot ang paningin ko. Hanggang sa dumako ang paningin ko sa bumukas na pinto. Malabong pigura ng lalaki ang nakita ko habang papalapit ito sa akin. May sinasabi ito pero hindi ko maintindihan kung ano iyon.
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Romance"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...