CHAPTER 28

774 26 5
                                    

"HINDI ba puwedeng umuwi na lang tayo sa isla at doon tayo maligo ng dagat?" sabi ko habang nakatingin sa kaniya at yakap-yakap ang sarili ko. Medyo nahihiya kasi ako sa ayos ko ngayon. I'm just wearing black two piece bikini kasi hinubad ko na ang suot kong long sleeve shirt niya, at isama pa ang kakaibang titig niya sa akin na talaga namang nanunuot sa kaibuturan ko. Pakiramdam ko abot iyon hanggang sa mga kalamnan at mga buto ko.

"It's fine, baby. Mas masarap ang tubig dito. And, don't worry hindi ka malulunod. I'm here."

Oh, how sweet! Kinikilig naman ako nang husto dahil sa mga sinabi niya. Pero, ganoon pa rin... kinakabahan pa rin ako kung dito kami maliligo. Hello, ang layo-layo namin sa dalampasigan. Nasa gitna kami ng dagat. Ang lalim-lalim ng dagat. Kahit naman sabihing marunong akong lumangoy, nakakatakot pa rin. Paano na lang kung may pating na biglang sumulpot? Or, Piranha? Oh, jeez! Kakapanuod ko ito sa mga hollywood movies dati e. Kaya kung anu-ano na lamang ang pumapasok sa isipan ko ngayon.

"Come on, baby."

Lumapit siya sa akin at kinuha ang isang kamay ko. Kahit medyo nangangatog ang mga tuhod ko, nagpatianod na lamang ulit ako sa kaniya hanggang sa makababa kami sa likod ng yate niya. Tumitig pa ako sa kulay green na dagat.

"Don't you trust me?"

Napatingin ulit ako sa kaniya nang marinig ko ang tanong niya. Ilang segundong nakipagtitigan ako sa kaniya bago ako nagbuntong-hininga. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

"Come."

Muli niya akong hinila palapit sa kaniya. Wala na akong ibang nagawa kun'di ang mapayakap sa kaniya. God! Damang-dama ko ang init ng katawan niya. Iba ang nararamdaman ng katawan ko ngayong magkadikit na magkadikit ang mga balat namin. Naramdam ko ring ipinulupot niya sa baywang ko ang dalawa niyang braso at mas lalo akong hinapit sa katawan niya. Napapalunok na lamang ako sa laway ko lalo na, I could feel his hard manhood on my stomach. Iba ang dulot niyon sa akin.

Ngumiti siya sa akin at mabilis na kinintalan ng halik ang nakaawang kong mga labi. I closed my eyes tightly and moaned sofly nang maramdaman kong bumaba sa pang-upo ko ang isang palad niya at masuyong pumisil doon. God! Why are you doing this to me now Hideo? Bakit pakiramdam ko sa bawat paghaplos niya sa likod ko, sa bawat pag-angkin niya sa mga labi ko ay may binubuhay siyang init sa katawan ko? Hindi ko mapigilan na makadama ng kakaiba.

I moaned again. Mayamaya ay masuyo ko siyang itinulak sa dibdib niya para pakawalan niya ang mga labi ko. At nagtagumpay naman ako.

"Um,"

Umangat sa tapat ng mukha ko ang isang palad niya at masuyong humaplos sa pisngi ko ang likod niyon. "You're so beautiful, Ysolde." Mahinang bulong niya sa tapat ng mukha ko.

Tipid akong ngumiti sa kaniya at nagbaba ng mukha. Pero kaagad niya ring hinawakan ang baba ko at muling iniangat ang mukha ko upang magsalubong ulit ang paningin namin. Ilang segundong magkahinang ang mga mata namin bago muli niyang inangkin ang mga labi ko. Oh, ano ba ang gustong mangyari ni Hideo sa akin ngayon? Matunaw o mabaliw dahil sa ginagawa niya?

I want to protest. Gusto kong tumutol kasi baka makita kami ng mga tauhan niya. Nakakahiya iyon para sa akin. Pero ang sinasabi naman ng puso't isipan ko ay hayaan ko siyang gawin ang gusto niyang gawin sa akin ngayon.

Hindi ko alam kung ilang minutong pinagsaluhan namin ang mainit na halik na iyon. Basta ang alam ko lang, pareho naming habol ang paghinga nang muli niya akong pakawalan. Ngumiti siya ulit sa akin at pinakawalan ang baywang ko.

"Are you ready, baby?" tanong niya.

Nangunot naman ang noo ko. Ready for what again? Mayamaya ay nagulat na lamang ako nang bigla siyang yumuko at binuhat ako na parang bagong kasal at walang sabi-sabi ay tumalon siya sa dagat. Napasigaw na lamang ako ng malakas at naipulupot sa leeg niya ang mga braso ko.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon