CHAPTER 7

988 24 3
                                    

RAMDAM ko ang paghawak niya sa magkabilang braso ko at bahagya akong inilayo sa kaniya. My whole body was still shaking dahil sa labis na takot na naramdaman ko kanina.

“Hey! That’s okay. You’re safe now.”

Saad sa akin ni Hideo. Hindi ko pa magawang mag-angat ng mukha. Why? Dahil bukod sa natatakot akong salubungin ang mga mata niya ay nahihiya rin ako sa kaniya dahil sa pagyakap ko sa kaniya ng pabigla-bigla.

“Go on... you can take a bath para makapagbihis ka na rin.”

Doon lamang ako nag-angat ng mukha ko at tiningnan siya. Ewan kung tama ang nakita kong emosyon sa mga mata niya nang titigan niya ako saglit bago siya mabilis na nag-iwas ng tingin sa ’kin. Parang... nakita ko na naawa siya sa akin dahil sa nangyari kanina. I’m not sure. O baka guni-guni ko lamang iyon.

Dahil hindi agad ako nag-iwas ng tingin sa kaniya, kitang-kita ko rin ang pag-igting ng kaniyang panga.

“Um, go on! Take a shower!” kaagad siyang tumalikod at naglakad na upang lumabas sa kuwarto na ’yon.

“H-hideo,”

I called his name when he was about to open the door. Huminto naman siya... pero hindi lumingon sa ’kin. Ilang saglit akong naghintay na pumihit siya paharap sa ’kin—pero hindi niya ginawa iyon.

I let out another deep sigh again. “T-thank you!” saad ko na naluluha pa.

“Take a shower, Ysolde!”

Iyon lamang ang sinabi niya at lumabas na siya ng silid nang mabuksan na niya ang pinto. Naiwan na akong mag-isa roon.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at muling humugot ng napakalalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Nakaupo na ako sa gilid ng kama pero ganoon pa rin ang pakiramdam ng buong katawan ko. Nanginginig pa rin ako sa takot. Nangingilabot pa rin ako dahil sa ginawa ng lalaking iyon sa akin kanina.

Mayamaya lamang ay bigla akong napatingin sa nakabukas na bintana nang marinig ko ang malakas na putok ng baril. Kahit nanghihina pa man ang aking mga tuhod, naglakas loob akong tumayo sa puwesto ko at nagmamadaling lumapit sa bintana upang silipin kung ano ang nangyayari sa labas ng bahay at kung bakit may nagpaputok ng baril.

“Boss! P-pasensya na po kayo!”

Anang lalaki habang nakasalikop ang mga palad nito at nakaluhod sa buhanginan.

Muling umigting ang panga ni Hideo habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa tauhan niya. Mayamaya ay humigpit ang pagkakahawak niya sa baril at itinutok iyon sa lalaki.

“Boss! Parang awa mo na! Huwag po!” sigaw ng lalaki habang nagmamakaawa ng paulit-ulit sa boss nito. “Huwag mo po akong papatayin boss! Parang awa mo na!”

“Alam mo kung ano ang pinakaayoko sa lahat...” mariing saad ni Hideo. “...pinakaayoko sa lahat ay ang ginagago at tinatryador ako.”

Muli niyang kinalabit ang gatilyo ng baril. Tumama ang bala niyon sa kahoy na naroon sa likod ng lalaki.

“H-hindi na po mauulit boss! H-hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kaya pinuntahan ko sa silid niya ang babae—”

“Fuck!”

Muling kinalabit ni Hideo ang gatilyo ng baril... pero sa pagkakataon iyon, sa ulo mismo ng lalaki tumama ang bala niyon. Bumulagta sa buhanginan ang katawan ng lalaki.

Nanlalaki ang mga mata kong napasinghap sa hangin nang makita ko ang pagbaril ni Hideo sa lalaking muntikan ng gumahasa sa akin kanina. Tigagal ako at parang hindi ako makakilos sa puwesto ko. Diyos na mahabagin! Sa buong buhay ko... ngayon lamang ako nakasaksi ng ganoong pangyayari. Hindi man sa harapan ko, pero kitang-kita ko kung paano patayin ni Hideo ang lalaking iyon.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon