CHAPTER 33

765 26 1
                                    

PAGKABABA pa lamang ni Hideo sa private jet na ginamit niya pauwi ng Pilipinas ay kaagad din siyang sumakay sa helicopter na naghihintay sa pagdating niya roon. Dahil umiikot na ang rotor blades niyon, ilang saglit lang ay kaagad ding lumipad iyon. Wala namang nagawa si Cloud at Kidlat kun'di ang mapatingin na lamang sa helicopter na ngayon ay papalayo na upang tunguhin ang isla.

"Let's go," sabi ni Cloud nang lingunin nito ang kakambal. Naghihintay na rin sa dalawa ang isa pang helicopter na naroon na maghahatid sa mga ito papunta sa isla. "You're not coming?" tanong pa nito.

"Does Hideo still need my presence there?" seryoso pa rin ang mukha nito.

Wala sa sariling napatiim-bagang naman si Cloud dahil sa sinabi ng kapatid nito. Nagpakawala ito nang malalim na paghinga 'tsaka matalim na titig ang ipinukol sa kakambal. "Ysolde needs us, Giulio."

"I don't care about her-"

"Giulio." Mariing sabi nito dahilan upang matigil sa pagsasalita ang kapatid. Ilang saglit itong nakipagsukatan ng titig kay Kidlat bago ito tumalikod na lamang at iniwan doon ang kapatid. Sigurado si Cloud na hindi nito mapipilit ang kapatid na sumunod kay Hideo sa isla. Sa tatlong magkakambal, si Kidlat talaga ang naiiba ang ugali. Palibahasa'y panganay kaya ito lagi ang nasusunod sa tatlo. Pero kung minsan, hindi naman nagpapatalo si Cloud maging ang isa pa nitong kakambal sa kuya nila.

***

"Boss." Kaagad na sabi ng lalaking nakatayo sa labas ng lanai. May telang nakatali sa braso nito at puno ng dugo.

"Where is Ysolde?" tiim-bagang na tanong niya sa kaniyang tauhan matapos niya itong suyurin ng tingin maging ang mga kasamahan nitong wala ng buhay at nasa buhanginan.

"Kinuha po ng mga armadong lalaki kanina boss." Sagot nito. Mababakas pa ang takot sa hitsura at mga mata nito sa kung anuman ang gagawin ni Hideo ngayon. "Hindi ko po alam kung kaninong mga tauhan iyon. Basta na lamang po silang sumulpot kanina at pinagbabaril kami. Mabuti na nga lang po at nakaligtas ako kaya nakatawag ako sa inyo."

Mas lalong umigting ang panga ni Hideo dahil sa mga sinabi ng kaniyang tauhan. Wala sa sariling naikuyom niya ang mga kamao dahil sa pagpipigil ng galit niya sa mga sandaling iyon.

***

IMPIT PA RIN akong umiiyak habang yakap-yakap ako ni Jule. Simula kanina nang sabihin sa 'kin ni Zakh ang tungkol sa nangyari kay Papa, hindi na natigil sa pagbuhos ang mga luha ko. I was crying the whole time. At hanggang ngayon ay ayaw pa rin tanggapin ng puso't isipan ko ang mga nalaman ko kanina. Sobrang sakit sa puso ko na malamang wala na ang papa.

"Shhh! Ysolde, tumahan ka na. Baka kung mapapaano ka pa niyan."

My whole body was still shaking dahil sa sakit sa iniinda ng puso ko ngayon. Kahit ilang beses pang sabihin sa akin ni Jule na tumahan na ako, hindi ko magawa.

"Jule, ang sakit-sakit ng puso ko. H-hindi totoong wala na si papa. That's not true. Hindi ako naniniwalang wala na si papa. Hindi puwede! Magkikita pa kami. Hihingi pa ako sa kaniya ng sorry kung bakit ko siya sinuway nang gabing 'yon. He can't die." Humahagulhol na sambit ko at mas lalo pang napayakap sa kaniya.

Ramdam ko ang masuyong paghimas nito sa likod ko upang patahanin ako, but it didn't work. Mas lalo lang kasi akong naiiyak.

After my mom died, bakit pati si papa ay kailangang mawala agad sa akin? Sino naman ang may gawa niyon sa kaniya? Bakit walang may tumulong sa kaniya? I know papa, hindi naman siya umaalis ng walang kasamang bodyguards. So, bakit ni wala manlang may nakatulong sa kaniya para hindi siya bawian ng buhay?

"Hindi totoo 'yon Jule. Buhay pa ang papa ko."

"Ysolde, I saw the news before. Pero... hindi ko naman alam na papa mo pala siya."

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon