NAPAILING ako habang umaatras sa kinatatayuan ko. My eyes were focused only on Hideo. I can’t even blink.
“N-no. No. No.” Iyon lamang ang lumabas sa bibig ko.
Kitang-kita ko kung paanong mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Hideo. Ang mariing pag-igting ng kaniyang panga dahil sa sinabi ko.
“Come closer, Ysolde. Don’t give me a reason to be angry with you again.”
“No! H-hindi ako magpapakasal sa ’yo ngayon ng—”
Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla niyang dinukot ang kaniyang baril na nakasuksok sa may tagiliran niya. Bigla akong natuod sa kinatatayuan ko nang itutok niya iyon sa direksyon ko. Sa labis na takot ko, halos kapusin ako ng aking paghinga at takasan ako ng ulirat ko.
“Will you come closer to me or will I fire the first bullet of this gun on your head?” mariing sabi niya habang matalim ang titig sa ’kin.
Ramdam ko ang panginginig nang husto ng mga tuhod ko. Napalunok din ako ng laway ko. Sa gilid ng mata ko, I saw Cloud just being serious while looking in my direction. Ganoon din ang matandang lalaki na nasa likuran ni Hideo.
“I’ll count two, Ysolde.”
I could clearly see how tight his grip on the gun was. How his finger slowly moved on the trigger. I felt even more scared. When I saw that he was about to speak to start counting... I suddenly moved from where I was standing. Parang may sariling isip ang mga paa ko at kusa iyong naglakad nang dahan-dahan palapit sa kinatatayuan niya kahit halos matumba na ako dahil sa panginginig ng mga tuhod ko.
Ilang saglit niya akong tinitigan ng matalim bago niya ibinaba ang baril niya. Inilapag niya iyon sa ibabaw ng kaniyang lamesa. He turned to face the old man.
“Let’s start!”
Iyon lamang ang sinabi niya at kaagad na kumilos ang matandang lalaki na parang hindi manlang natinag sa kinatatayuan nito kanina nang maglabas ng baril si Hideo. Dahan-dahan din akong napatingin sa direksyon ni Cloud. Bahagya siyang ngumiti sa akin.
Humugot ako nang sobrang lalim na paghinga ’tsaka iyon pinakawalan sa ere. Pagkatapos ay humarap na rin ako sa matanda. Nagsimula itong magsalita. But I swear, wala akong maintindihan sa mga sinasabi nito. Sa ibang mga bagay tumatakbo ang isipan ko hindi sa kasal kuno na iyon na nangyayari ngayon.
Iniisip ko si papa. Si Manay Salve. Ang buhay ko dati bago pa man mawala si mama, five years ago. At ang buhay ko bago ako mapunta rito sa islang ito. God! Dahil sa isang gabi na pagsuway ko sa utos ng papa ko, ito na ang nangyari sa ’kin. Nawalan ako ng best friend. Nawalan ako ng boyfriend. Nakidnap ako ni Hideo, tapos ngayon... heto, ikinakasal na ako sa kaniya. Sa lalaking hindi ko kilala. Sa lalaking hindi ko mahal. If only I could turn back the time... sana hindi na lang ako umalis sa bahay nang gabing iyon. Labis na pagsisisi ang nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling ito.
Biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko. I quickly bit my lower lip to stop my tears... pero hindi ko rin nagawa. Malayang naglandas ang mga luha sa pisngi ko. Gusto kong mapahagulhol sa mga oras na ito.
“Now, I ask you: Do each of you enter this union freely and without coercion? If so, say I do.”
Dinig kong saad ng matandang lalaki. Pero hindi ako nag-abalang sumagot. Nagbaling naman sa ’kin ng tingin si Hideo. Hindi man ako tumingin sa kaniya... I know na matalim ang mga mata niyang nakatitig sa ’kin ngayon.
Napatungo ako at mas lalong nakagat ang pang-ilalim kong labi.
“I... I... I d-do!” umiiyak na sagot ko.
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Romance"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...