“BOSS, nariyan na po si Mr. Latorre.”
Anang isang lalaking nakasuot ng itim na polo shirt nang makalapit ito sa amo nitong nakaupo naman sa harap ng malaking lamesa.
Nasa loob ito ng Casino at naglalaro ng Blackjack. Maliban dito, may kalaro pa itong apat na matatandang lalaki.
Saglit na nag-angat ng mukha ang lalaking mukhang nasa late 30’s na ang edad. May balbas ang mukha. Maskulado ang katawan. Nakasuot ng itim na long sleeve polo na nakatupi naman ang dulo hanggang sa siko nito. May malaking tobacco ang nakaipit sa gitna ng mga daliri nito habang nakasandal sa upuan nito. Tumingin ito sa itaas ng hagdan upang tapunan ng tingin ang matandang lalaki na ngayon ay pababa naman doon. Mayamaya ay nilingon nito ang tauhan at tumango. Umalis naman ang lalaki.
Muling itinuon ng lalaki ang atensyon sa apat na kalaro nito maging sa dealer na nasa kabilang ibayo ng lamesa. Pagkatapos ay sinilip nito kung ano ang hawak nitong card. Mayamaya ay ngumiti ito ng nakakaloko at tuluyang dinampot ang baraha at itinapon iyon sa gitna ng lamesa.
“Hindi pa talaga ako nanalo sa larong ito kapag ikaw ang kaharap ko Mr. Colombo.” Saad ng isang matandang lalaki. Napailing pa ito ngunit may ngiti sa mga labi. Dinampot na rin nito ang baraha at itinapon sa gitna ng lamesa.
“Magaling lang talaga ako maglaro Mr. Hernandez.”
“Next time let us win at least once, Hideo.” Natatawa ring saad ng isa pang matandang lalaki. Kagaya sa iba pang mga nakalaro ng lalaki, ilang beses na rin itong natalo sa larong iyon.
“I’ll think about it, Matias.” Pagsakay naman ng lalaking tinawag na Hideo. Muli itong ngumiti ng nakakaloko saka sumenyas ang isang kamay upang palapitin dito ang isang tauhan nito.
Nang makalapit ang isang lalaki ay kaagad nitong inipon ang mga poker na napanalunan ng amo nito.
Tumayo naman sa puwesto nito si Hideo. “Well, gentlemen... this game is done. Trabaho naman ang aasikasuhin ko. Enjoy the night.”
Tumango naman ang apat na matanda bago tumalikod ang lalaki at naglakad na palayo sa lamesang iyon.
“Nasa VIP room po si Mr. Latorre, boss.” Anang lalaki.
Hindi sumagot si Hideo. Sa halip ay nagtuloy lamang ang lakad nito hanggang sa makalabas ng Casino at tinungo ang parking lot.
GANOON na lamang ang gulat ni Bernard nang pagkasakay nito sa sasakyan nito ay biglang may suminding lighter sa tabi nito. Sinindihan nito ang malaking tobacco na nasa pagitan ng mga labi nito. Nanlalaki ang mga mata ng matanda nang mapalingon ito sa katabing upuan, matapos sulyapan ang driver seat... wala roon ang driver nito. Madilim man at hindi nito maaninag ang hitsura ng lalaking naroon na nakasuot ng Fedora hat, kilalang-kilala ito ng matandang Latorre.
“H-Hideo,” nauutal pang sambit nito sa pangalan ng lalaki pagkuwa’y napaatras ito sa tabi ng pintuan. Napalunok pa ito ng laway.
“Long time no see Bernard.” Ang baritinong boses ni Hideo pagkuwa’y humithit ito sa tobacco at pinakawalan sa ere ang makapal na usok.
Napaubo pa ng sunod-sunod ang matandang lalaki nang malanghap nito ang usok. Dahil nakasarado ang buong sasakyan, naipon lamang sa loob niyon ang usok ng tobacco.
“Hideo—”
“Hideo! Hideo! I heard it twice, Bernard. Wala ka bang ibang sasabihin sa ’kin?” tanong ng lalaki habang nakatuon pa rin sa unahan ng sasakyan ang paningin nito.
Ilang segundong katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan na iyon. Mayamaya ay si Hideo na ang lumingon sa nahihintatakutang matanda.
“Mukhang pinagtataguan mo ata ako.”
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Romance"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...