“WHO DID THIS?” tiim-bagang na tanong niya kay Cloud nang makapanhik siya sa itaas ng yate. Hawak-hawak pa rin niya ang tracking device na nakuha niya sa damit ni Ysolde.
“Nasa labas ako ng restaurant kanina, and I saw that man run into Ysolde. Nakita kong inilagay niya sa likod ni Ysolde ang tracking device na ’yan. Kaya no’ng umalis kayo, sinundan ko rin ang lalaking ’yon. Sakay siya ng speedboat kanina at minamanman kayo rito.” Pagpapaliwanag ni Cloud sa kaniya.
Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa mga nalaman niya. “And who is he?” tanong niya. Maybe one of his enemies? Well, hindi naman iyon bago. Sa dami ng mga kaaway niya sa negosyo, hindi talaga maiiwasan na may mga taong nagpupumilit na makalapit sa kaniya. Una, para sirain siya at ang kaniyang negosyo. Pangalawa, para patayin siya. Iyon lang naman ang alam niyang dahilan.
Nagkibit ng mga balikat nito si Cloud kasabay ng pagpapakawala nito nang malalim na buntong-hininga. “I don’t know,” sagot nito. “Hindi ko siya kilala. I ask him kung sino ang boss niya... pero hindi siya sumagot.”
“Where is he?”
“Nakatakas na. Nanlaban siya. Tumalon sa dagat kaya hindi ko na rin siya nadala rito sa ’yo.” Anito at naglakad palapit sa center table na naroon. Kinuha nito ang bote ng alak at nagsalin sa isang rock glass.
Tiim-bagang at nanggigigil na ikinuyom naman ni Hideo ang kaniyang palad habang naroon ang tracking device. Humarap siya sa malawak at madilim na dagat. “Gusto kong alamin mo kung kaninong tauhan ang lalaking ’yon Guilherme,” sabi niya.
Seryosong tumitig naman si Cloud sa nakaside view’ng mukha ni Hideo. Ilang saglit itong natahimik at tila nag-iisip. Mayamaya ay dinala sa tapat ng bibig nito ang hawak na rock glass at inisang lagok ang laman na alak niyon. “Don’t worry. Aalamin ko bukas na bukas din.”
“At makipagkita ka na rin kay Giulio bukas. Kayo na ang bahalang magtungo sa Laguna para kausapin si Mariano. Kung hindi pa rin niya ibabalik sa akin ang pera ko... kill him.”
“No problem. Kami na ang bahala.” Anang Cloud. “How about the auction tomorrow night, dadalo ka ba roon?”
“Si Giulio na ang bahalang magtungo roon. Nagkausap na kami kanina. May ibang lakad kasi ako bukas ng hapon.” Aniya
“Alright then... kami na ang bahala sa ibang lakad bukas.”
Walang paalam na tumalikod siya at bumaba upang balikan ang asawa sa kuwarto. Sinundan naman siya ng tingin ni Cloud pagkatapos ay ngumiti ito ng nakakaloko habang umiiling pa.
***
BIGLA AKONG napalingon sa bumukas na pinto ng kuwarto. Pumasok doon si Hideo habang seryoso ang mukha niya. Kaagad naman akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama at dahan-dahang naglakad palapit sa kaniya.
“H-hideo, bakit ano ang nangyayari?” kinakabahan pa ring tanong ko sa kaniya.
God! Sino naman kaya ang naglagay ng tracking device na ’yon sa damit ko? May kailangan ba siya sa akin? Or maybe kay Hideo?
“Um, s-sino ang naglagay niyon sa damit ko?” tanong ko sa kaniya.
He let out a deep sigh and took my hand and pulled me closer to him and hugged me tightly. “Are you alright, baby?” sa halip ay tanong niya sa akin.
Nagtataka man ako at hindi ko malaman kung ano ang nangyayari ngayon, kung bakit may tracking device sa damit ko kanina, wala akong nagawa kun’di ang ipulupot na rin sa baywang niya ang mga braso ko. Gumanti ako sa pagkakayakap niya sa akin. Aaminin kong nakadama ako ng takot lalo pa at kitang-kita ko kanina ang galit na hitsura ni Hideo.
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Romans"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...