BUMUNTONG-HININGA ako ulit nang malalim habang nakatayo ako sa tapat ng pinto ng kuwarto. Kanina pa ako nagpapabalik-balik doon at hindi makapagdesisyon kung hahawakan ko ba ang seradura niyon para buksan iyon o babalik na lamang sa kama at matutulog na lamang. Hindi ako makapag-isip ng mabuti. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ganito ang inaasta ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Lalo na ang puso ko. I don’t know why I felt like this simula pa kanina habang nasa boutique kami ni Hideo—hanggang sa makauwi kami rito sa isla.
Why my heart is pounding like this?
I sigh deeply again. Nabitin din sa ere ang kamay kong akma na sanang hahawakan ang doorknob. Sa huli ay bumalik na lamang ako sa kama at umupo sa gilid niyon. Hindi ko na lamang itinuloy ang balak kong lumabas ng kuwarto para bumaba sa sala. Baka mamaya niyan ay pagalitan pa ako ni Hideo dahil lumabas ako ng hindi niya sinasabi.
Mayamaya ay napatingin ako sa labas ng bintana... the surrounding were quite dark. Pagabi na pala. Hindi ko manlang namamalayan ang oras.
Sumandal ako sa headboard ng kama. Iginala ko ang aking paningin sa buong kuwarto. Nang mahagip ng paningin ko ang mga libro na naroon sa ilalim ng isang maliit na lamesa, naglakad ako papunta roon upang tingnan kung anong mga libro iyon. I love reading books. Isa iyon sa nagpapawala ng boredom or stress ko, lalo na kagaya sa sitwasyon ko rito ngayon. Wala manlang TV or any appliances na puwede kong paglibangan. Well, hello! Preso ako rito so bakit naghahanap pa ako ng mga ’yon?
Mga English Novels ang nakita ko roon. Ang iba ay nabasa ko na. Kaya ang hindi familiar sa ’kin na libro na naroon ang kinuha ko. Pinunasan ko muna ang kaunting alikabok sa ibabaw n’on bago ko dinala sa ibabaw ng kama at doon tahimik na nagsimulang magbasa. Hanggang sa hindi ko na napansin at tuluyan ng nag-gabi. Kung hindi pa kumulo ang tiyan ko, hindi pa maaalis ang atensyon ko sa librong binabasa ko.
Napalingon akong muli sa nakabukas na bintana. Gabi na nga! Isinarado ko ang libro na hawak ko at napatingin din sa nakapinid na pinto. Nang muling kumulo ang sikmura ko, naglakas loob na akong tumayo sa kama at naglakad palapit sa pintuan. Binuksan ko iyon at dahan-dahan na naglakad palapit sa may hagdan. Tahimik ang buong paligid. Wala rin sa sala si Hideo. Ang mga kurtina roon ay bahagyang nililipad ng hangin na nanggagaling sa labas ng bahay.
“H-hideo!” bahagya lamang ang boses ko habang nagsimula na ring bumaba sa hagdan. “Hideo!” muli kong iginala sa buong paligid ang aking paningin, but I couldn’t see him. My stomach swelled again. Nang mapatingin ako sa may kusina—naglakad na ako papunta roon. Bahala na kung makita niya akong nandito sa ibaba. Basta gusto ko ng kumain.
Pagkapasok ko sa loob ng dinning ay kaagad akong naghanap ng pagkain. Mayroon namang ulam sa loob ng refrigerator pero hindi na ako nag-abalang initin iyon. Ang tinapay na nasa ibabaw ng counter kitchen na lamang ang kinuha ko at naghagilap ng palaman. Hindi na ako nag-abalang umupo sa lamesa. Doon ko na rin iyon nilantakan habang maya’t maya ang tingin ko sa pintuan ng kusina. Baka kasi bigla na lamang pumasok doon si Hideo. But thanks to God, kasi hindi naman siya dumating hanggang sa matapos akong kumain. Nang mailigpit at mahugasan ko ang baso at kutsara na ginamit ko ay muli akong lumabas ng kusina. Papanhik na sana ulit ako sa hagdan nang mapatingin naman ako sa nakabukas na sliding door papunta sa Lanai.
Nasaan kaya siya? Umalis ba siya ng isla? Ako lang ba ang tao ngayon dito? Mga katanungan sa isipan ko at nagsimulang humakbang palapit sa may sliding door. Bigla pa akong napayakap sa sarili ko nang sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Dinig ko rin ang mahihinang hampas ng alon sa dalampasigan. Dahil may ilaw naman sa Lanai at may dalawang poste ng ilaw sa labas ng bahay, kaya medyo maliwanag sa labas.
Nang nasa labas na ako ng pinto... mas naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Iginagala ko lang ang paningin ko sa buong paligid nang mahagip ng mga mata ko ang puting bagay na lumulutang sa dagat. Nangunot ang noo ko at napatitig doon. Medyo may kalayuan man ang dalampasigan mula sa puwesto ko... but I know and I am sure na tao ang nakikita ko ngayon na nakalutang sa dagat.
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Romance"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...