CHAPTER 32

774 30 1
                                    

“ANO BA! Pakawalan n’yo kami rito!” nanginginig man ang boses at buong katawan ko dahil sa sobrang takot, pero patuloy pa rin ang pagpumiglas ko sa dalawang lalaki na nakahawak sa braso ko hababg nakatali naman ang mga kamay ko.

Hindi ko alam kung saan kami dinala ng mga armadong lalaki na ito. Basta kanina, pagkababa namin sa speedboat ay isinakay nila kami sa isang itim na van pagkatapos ay piniringan ang mga mata namin ni Jule kaya hindi ko nakita ang kalsadang dinaanan namin.

“Huwag ka ng manlaban miss... masasaktan ka lang,” sabi ng lalaking nasa likuran ko.

Ang mga luha sa mata ko hindi na natigil sa pag-agos. Sobra akong natatakot ngayon na baka kung ano ang gawin nila sa amin ni Jule. I was still silently praying na sana walang mangyaring masama sa amin. Na sana malaman agad ni Hideo na may mga armadong lalaki ang nakapasok sa isla niya at kinuha kami. But how will that happen? These armed men killed Hideo’s men. Kitang-kita ko na namatay ang limang tauhan niya na iniwan sa isla para makasama namin ni Jule. Paano pa malalaman ngayon ni Hideo na wala na kami sa isla?

“Ysolde!”

“Jule!” nangangatal pa rin ang boses ko. “Jule!”

“Huwag ka ng umiyak, Ysolde,” sabi nito sa akin.

But I can’t help myself but to cry.

Hanggang sa narinig kong may bumukas na pinto. Ipinasok kami roon ng mga lalaki. Mayamaya ay binitawan ang isang braso ko. Ang isang lalaking nakahawak pa rin sa kabilang braso ko ay pinaupo naman ako sa isang silya. Naramdaman ko naman na nasa tabi ko na rin si Jule.

“Sige na, tawagin n’yo si boss. Sabihin ninyo na nandito na ang kailangan niya.”

Dinig kong sabi ng isang lalaki. Ito siguro ang leader nila dahil ito ang panay utos ng gagawin simula pa kanina.

“Ysolde!”

Lumingon ako sa gawi ni Jule kahit hindi ko naman ito nakikita dahil sa piring ko. “Jule, I-I’m scared.”

“Huwag kang mag-alala, alam kong matutunton tayo rito ni Hideo. Maliligtas tayo.” She said.

Pinipilit man nitong huwag iparamdam sa akin na natatakot din ito ng sobra kagaya ko, pero nahihimigan ko pa rin iyon sa boses ni Jule. She was just as scared as I was.

God! Sino ba ang nagpadukot sa amin? Ano ang kailangan niya sa amin? Or maybe, kaaway nga ni Hideo ang boss ng mga armadong ito?

“Enough crying Ysolde. We will be okay.”

Pagpapatahan ulit sa akin ni Jule. Well, wala rin namang mangyayari kung iiyak ako nang iiyak dito ngayon. Kaya kahit linulukob pa rin ng takot ang puso ko, pinilit kong tumuhan. Pero ang katawan ko, hindi pa rin matigil sa pangangatog dahil sa sobrang lamig. I’m still wearing bikini, and I’m sure ganoon din si Jule. Ganoon din ang nararamdaman nito ngayon. Kung hindi man kami papatayin ng mga armadong lalaking ito, sigurado akong mamamatay naman kami sa pneumonia.

Ilang saglit lang, narinig ko ang mga yabag ng mga paa na papalapit na sa kuwartong kinaroroonan namin. Nandito na siguro ang boss nila.

“Boss, nandito na ang kailangan mo.”

Mayamaya, naramdaman kong may kamay na humawak sa piring ko mula sa likod ng ulo ko. Kinalagan iyon. Sunod-sunod na pagkurap pa ang ginawa ko para makabawi sa liwanag. Medyo dim ang ilaw na sumalubong sa paningin ko. Kaagad ko namang iginala ang paningin ko sa buong paligid. Nakita ko ulit ang mga armadong lalaki na dumukot sa amin ni Jule kanina. May mga kasamahan din silang narito. Siguro hindi lang sampo. Nang tumingin ako sa unahan ko. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko, panlalaki ng mga mata ko nang makilala ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon