CHAPTER 35

841 29 10
                                    

“GIUSEPPE?” sambit ko sa pangalan nito nang magbawi ito ng tingin sa ’kin. Mayamaya ay bigla akong napatingin sa likuran nito nang pumasok doon si Hideo. Biglang lumamlam ang mukha ko nang magtagpo ang mga paningin namin. Wala sa sariling napabitaw ako kay Jule at nagmamadali akong tumakbo papunta sa kaniya. “H-hideo.” Nang maramdaman ko ang mga braso niyang pumulupot ng mahigpit sa katawan ko, nang ikulong niya ako sa mga bisig niya, roon lamang nawala ang takot at kaba na nararamdaman ko sumila pa kahapon. God, thank you! He found us. Hideo saved me. He saved us.

“Are you okay, baby?” tanong niya sa ’kin at bahagya niya akong inilayo sa kaniya. Saglit niya akong pinakatitigan sa aking mga mata pagkatapos ay sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ko. Tila iniinspeksyon niya kung nasaktan ba ako, kung may sugat ba ako, o kung may nangyari ba sa ’king hindi maganda.

“I-I’m okay.” Naroon pa rin ang panginginig ng boses ko.

“Damn it.” Usal niya at muli akong ikinulong sa mga bisig niya. “You’re safe now.” Aniya at masuyong hinaplos ang likod ko.

Mahigpit na yakap din ang iginanti ko sa kaniya at mas lalo akong nagsumiksik sa katawan niya. Ang mukha ko ay isinubsob ko sa dibdib niya. “T-thank you! A-akala ko mamamatay na kami ni Jule rito.” Muli na namang nag-init ang sulok ng mga mata ko. I felt peace when Hideo locked me in his arms. God, thank you at dininig mo ang panalangin ko na mahanap niya kami rito ni Jule.

“I wont let that to happen.” Aniya at naramdaman ko pang hinalikan niya ang ulo ko. Mayamaya ay pinakawalan niya ako saglit pagkatapos ay hinubad niya ang suot niyang coat at isinuot iyon sa ’kin. “Come on, let’s go home.” Ipinatong niya sa balikat ko ang braso niya at niyakap akong muli pagkatapos ay iginiya na niya ako palabas sa kuwartong iyon.

Nakita ko naman doon sa labas si Ulap. Bahagya akong ngumiti rito nang magtagpo ang paningin namin.

“Ysolde!” anito.

“Thank you, Ulap,” sabi ko rito. Tumango lang naman ito sa ’kin.

“Jule.”

Napalingon ako sa loob ng kuwarto nang marinig ko ang boses ni Giuseppe na tinawag ang pangalan ni Jule. Pero hindi naman ito pinansin ni Jule, sa halip ay lumabas na rin ito ng kuwarto at sumunod sa ’min ni Hideo.

What is he doing here by the way? Bakit siya kasama nina Ulap at Hideo? Kunot pa rin ang noo ko nang muli itong mapatingin sa ’kin. He was staring at me intently. Gusto ko itong lapitan para sana kausapin at tanungin kung ano ang ginagawa nito rito, bakit kasama ito nina Hideo para iligtas kami, pero hinayaan ko na muna. All I want to do right now is to leave this abandoned building. Baka dumating pa si Zakh at ano pa ang mangyari.

Hanggang sa makalabas kami sa gusaling iyon at makasakay kami sa kotse ni Hideo na naghihintay sa labas. Yakap-yakap niya pa rin ako habang magkatabi kaming nakaupo sa backseat ng kotse niya. He was rubbing my back na parang pinapakalma niya ako. Because yeah, until now medyo nanginginig pa rin ang katawan ko dahil sa mga nangyari simula kahapon hanggang ngayon. Lalo na dahil sa narinig kong putukan ng baril kanina. Ngayon lamang ako naka-encounter ng ganoon sa tanang buhay ko kaya labis akong natakot. Ang buong akala ko ay may mangyayari ng masama sa amin ni Jule.

“Wala ba silang ginawang masama sa ’yo?” mayamaya at tanong niya sa ’kin.

Bahagya naman akong umiling. “W-wala naman. Hindi naman nila kami sinaktan ni Jule,” sabi ko.

I heard him let out a deep sigh. Mayamaya ay tiningnan ko siya. Ngumiti ako sa kaniya ng mapait. “Thank you ulit sa pagligtas sa ’kin Hideo.” Mahinang sabi ko.

Ilang saglit na magkahinang ang mga mata namin. Ewan ko kung tama ba ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon, parang sobra siyang nag-alala para sa akin. Parang sinasabi ng mga mata niya na labis din siyang natakot o nabahala dahil sa nangyari sa ’kin... parang may gusto rin siyang sabihin sa ’kin na hindi niya naman masabi-sabi. But I don’t want to assume. Ayokong umasa na tama ang kutob ko, ang napapansin ko sa kaniya. Ayokong umasa na tama ang nakikita ko sa mga mata niya sa mga sandaling ito.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon