SUNOD-SUNOD at malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere habang nagpaparoo’t parito ang lakad ko sa loob ng kusina. Hindi ako mapakali at hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko ngayon. Katatapos ko lang magluto ng pagkain, pero hindi ko alam kung paano ako lalabas ngayon ng kusina para puntahan si Hideo at tawagin na para kumain. Ewan ko ba, pero ang kabog ng puso ko kanina ay hindi na nawala.
Pagkatapos nang mga nangyari sa amin kanina sa Lanai, magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng bahay. Hindi siya nagalit sa ’kin dahil naabutan niya akong nasa labas. Instead, he just talked to me. He asked me how was I? If only I was okay that I was left alone in his house for two days. Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina, nagpaalam siyang aakyat siya sa kuwarto niya para maligo at magbihis. Nagulat pa ako dahil sa pagpapaalam niyang iyon sa ’kin. Well, sino ba naman ako para magpaalam siya, hindi ba? I mean, siya naman ang boss dito. Pero gayo’n pa man, kinikilig ang puso ko dahil doon.
Pagkaakyat niya, kinuha ko na rin ang pagkakataon na iyon para magluto ng pagkain para sa amin. Oh, God! Bakit parang umaasta ako ngayon na isang may bahay niya? Well, we are married. Hindi pa man tuluyang nagsi-sink in sa utak ko ang bagay na iyon, hindi ko pa man tuluyang natatanggap ang tungkol doon, pero parang wala na rin ang pagtutol sa puso ko dahil sa sapilitang kasal na nangyari noong isang gabi. Jesus! Iilang araw pa lamang simula nang makita at makilala ko si Hideo. He abducted me. He imprisoned me. Pero aaminin kong may kakaiba akong nararamdaman sa sarili ko na hindi ko maintindihan. If someone will ask me if I like Hideo already? I won’t deny it. Ipokrita ako kung itatanggi ko pa sa sarili ko na hindi ko gusto si Hideo sa mga sandaling ito, sa kabila nang mga ginawa niya sa ’kin. I mean, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang kagaya niya? Kahit pa sabihing masamang tao ang pagkakakilala ko sa kaniya dahil sa ginawa niya sa ’kin, I also couldn’t stop myself from liking him.
I let out a deep sigh again. Ilang sandali pa ay nagpasya na rin akong lumabas ng kusina. Nang nasa sala na ako, I saw him on the Lanai. Standing on the side of it while holding a glass of wine. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa sliding door. Kinakabahan pa ako kung tatawagin ko ba siya o hindi. Pero bigla naman siyang lumingon at nagtama ang mga mata namin. Wala sa sariling napalunok ako ng laway ko.
“Um, I... I... I cooked food. Y-you may be h-hungry already.” Nauutal na sabi ko sa kaniya at mabilis na nag-iwas ng tingin.
Ilang saglit siyang tahimik lamang habang nakatitig sa ’kin. Mayamaya ay naglakad siya palapit sa center table at inilapag doon ang baso na hawak niya pagkatapos ay naglakad din siya palapit sa ’kin.
Hindi ko pa magawang tumingin ng diretso sa mga mata niya.
“Let’s go. Let’s eat together.”
Aniya at kaagad na hinawakan ang kamay ko. Wala na akong nagawa nang igiya niya ako pabalik sa kusina. Habang naglalakad ay nakatingin lamang ako sa kamay namin magkasalikop, hanggang sa makapasok kami sa kusina. Nagulat pa ako at napatingin sa kaniya nang ipaghila niya ako ng upuan.
“Sit down, Ysolde!” sabi niya sa ’kin.
“T-thank you!” sambit ko at umupo na nga.
Ewan ko kung ano itong kaba na nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling ito. Parang nahihiya ako sa kaniya na parang natatakot din ako. Iniisip ko rin kanina pa kung dahil ba sa nangyari sa amin noong isang araw kaya ganito siya makitungo sa ’kin ngayon o ano? Well, ito rin naman talaga ang inaasahan ko. That after we did those thing, magiging okay din kaming dalawa. Ito na ba ang simula? I guess and I’m hoping.
Tahimik lang akong kumakain habang nakatuon sa plato ko ang paningin ko. Gusto ko siyang kausapin dahil nakakailang naman na magkaharap kami sa hapag pero pareho kaming tahimik. Pero hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Pinapakiramdaman ko na lang siya. And I know, nakatingin siya sa ’kin paminsan-minsan. I can feel it.
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Lãng mạn"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...