CHAPTER 22

997 28 4
                                    

“ANO na ang balita sa paghahanap kay Ysolde?” tanong ni Zakh sa mga tauhan nito nang makababa ito ng kotse at nagtuloy ng lakad papasok sa entrace ng Latorre Vino, ang kumpanyang pag-aari ng ama ni Ysolde.

“Wala pa rin pong balita sir.” Sagot ng lalaki na nakasunod sa binata. “Pero, patuloy pa rin po ang paghahanap namin.”

Tiim-bagang na nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Zakh ’tsaka nito pinindot ang button ng elevator.

“Mag-iisang linggo na kayong naghahanap sa kaniya, pero hanggang ngayon wala pa rin kayong maibigay na magandang balita sa ’kin.” Pagalit na sabi nito pagkuwa’y naglakad papasok nang bumukas ang pinto ng elevator.

Sumunod naman ang lalaki. “E, ginagawa naman po namin ang lahat sir. Sadyang mahirap lang po talagang mahanap si Ma’am Ysolde.” Sabi pa nito.

Isang matalim na titig naman ang ipinukol ni Zakh sa tauhan nito nang lumingon ito rito. Dahil sa takot ng lalaki na pagalitan ito ng amo, nagbaba na lamang ito ng mukha at nanahimik.

Muli na namang napabuntong-hininga ng malalim ang binata. “Dammit! Hindi pa matapos-tapos ang problema ko rito dahil sa babaeng ’yon.”

Nang bumukas ulit ang pinto ng elevator, lumabas ito at malalaki ang mga hakbang na naglakad upang tunguhin ang opisina ng dating CEO ng kumpanya. Simula nang araw na mapabalitang patay na si Bernard Latorre, si Zakh na ang umupo bilang acting CEO ng kumpanya. Ang dahilan nito sa mga naiwang empleyado ni Bernard, wala si Ysolde na dapat ay papalit sa puwesto ng papa nito kaya ito na muna ang uupo bilang acting CEO. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, iba ang pinaplano nito para sa kumpanya.

“Sir Zakh, um... may meeting po pala kayong dapat na puntahan—”

“Cancel that meeting Maya. May mahalaga akong gagawin ngayon.” Mabilis na sabi nito para maputol sa pagsasalita ang babae na sumalubong dito.

“Pero sir, dalawang araw na po ninyong pinapa-cancel ang meeting ninyo. Baka po—okay po sir!” sabi na lamang ng babae nang tumigil sa paglalakad si Zakh at matalim na titig ang ipinukol dito. Yumuko ito at muling bumalik sa puwesto nito.

Si Zakh naman ay muling itinuloy ang paglalakad hanggang sa makapasok na ito sa opisina.

“Just make sure na mahahanap ninyo si Ysolde. Hindi ako puwedeng maghintay ng matagal sa kaniya. Kailangan ko ng mapapirma siya sa mga dukomento ni Bernard dito para mailipat na sa ’kin ang pangalan ng kumpanyang ito.”

“Huwag po kayong mag-alala sir, hindi po kami titigil sa paghahanap kay Ma’am Ysolde.”

Kaagad na umupo si Zakh sa swivel chair at binuksan ang laptop na nasa ibabaw ng lamesa. Saglit itong may kinulikot doon. Mayamaya ay tinawag nito ang sekretarya nito gamit ang intercom na nasa gilid ng lamesa nito. Nagmamadali namang pumasok sa loob ang babae.

“Yes po, sir?”

“Tinanggap na ba ni Mr. Hideo Colombo ang invitation ko to discuss my new business proposal?” tanong nito.

“Um, nakausap ko po ang secretary niya kaninang umaga, sir. Pero, hindi pa raw po nababasa ni Mr. Colombo ang invitation ninyo.”

Muling nagtiim-bagang si Zakh kasabay nang pagpapakawala nitong muli ng malalim na buntong-hininga. Muli nitong itinuon ang paningin sa monitor ng laptop.

“Kulitin mo nang kulitin ang secretary niya hanggang sa tanggapin niya ang invitation ko.”

“Sige po, sir.”

Mayamaya ay bumukas ang pinto ng opisina nito at iniluwa roon si Shiloh.

“You can leave.” Anang Zakh sa dalawang tauhan na naroon.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon