CHAPTER 30

818 26 1
                                    

WARNING!!!
RATED SPG🔞

This chapter contents bed scene and vulgar words that are not suitable for young or minor readers. Please, just skip this page if you don’t want to read matured content! Thank you!

***

NAKATAYO ako sa labas ng lanai habang nakatingin sa speedboat na kadadaong lamang sa dalampasigan. May ngiti pa sa mga labi ko habang pinagmamasdan ang lalaking ngayon ay pababa na sa sasakyan. Bago ako lumabas ng bahay kanina, tinanong ko si Jule kung ano’ng oras na. Ang sabi nito ay alas otso na raw ng umaga. May halos sampong minuto rin akong nakatayo sa labas habang hinihintay ang pagdating ni Hideo. And there he is. He’s now walking towards me. Holy Lord! Bakit ba kasi sobrang guwapo ng lalaking ito? Kahit pagmasdan ko lang siya mula sa malayo, I can immediately feel the butterflies in my stomach. I can’t help myself but to smile at him nang tanggalin niya ang suot niyang ray-ban.

“Hi!” bati ko sa kaniya at mabilis na inipit sa likod ng tainga ko ang hibla ng buhok ko na nililipad ng hangin.

Lumapit siya sa akin at walang sabi-sabi na hinalikan niya ako sa mga labi ko. “How are you?”

Alright, para namang isang linggo kaming hindi nagkita at tinanong niya ako ng ganoon. Pero kinikilig ako sa totoo lang.

“Um, I’m okay.” Sagot ko sa kaniya.

Lumapit sa amin ang isang tauhan niya at ibinigay niya rito ang coat na nasa braso niya maging ang ray-ban na suot niya kanina. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at iginiya na ako papasok sa bahay. Akala ko pa ay didiretso kami sa kusina kasi naghanda ako ng pagkain kanina para sa kaniya. Nagpatulong pa ako kay Jule na magluto ng paborito niyang pagkain. Pero kaagad kaming pumanhik sa itaas ng bahay. Bigla ko namang naalala ang sinabi niya sa akin kahapon bago siya umalis.

Tomorrow morning when I get home. We will do that again. So, huwag mong ubusin ang lakas mo.

Bigla akong natigilan sa paghakbang ko kaya napahinto rin siya sa paglalakad niya. Nilingon niya ako.

“Why, baby?”

“Um,” I swallowed at nag-iwas ng tingin sa kaniya. I know namumula ngayon ang mukha ko dahil biglang nag-init ang buong pakiramdam ko.

“Come on. I want to rest for a while bago umalis ulit.”

Kaagad akong nagtaas ng mukha upang muling tingnan siya. What? Aalis ulit siya? Pero kakarating niya lang a!

Wala na akong nagawa nang igiya na niya ako papunta sa kuwarto ko. Nang bitawan niya ang kamay ko, kaagad niyang tinanggal ang suot niyang necktie. Itinapon niya iyon sa ibabaw ng kama at isa-isang tinanggal ang butones ng long sleeve na suot niya.

“Um, aalis ka ulit?” I asked him.

“I will be gone in two days.”

“Bakit? Saan ka pupunta? E, kararating mo lang pero... aalis ka agad?”

Alright, bigla akong nalungkot dahil sa sinabi niya. Ang akala ko kasi ay mananatili ulit siya rito sa isla para magkasama kami. But he will be gone in two days. I will be left here on the island again. Alone? I guess.

“I have a meeting in France so I have to leave. But I will be back as soon as my meeting is over,” sabi niya.

I let out a deep sigh. Wala naman akong magagawa, I can’t stop him from leaving now. Trabaho niya iyon e.

“Ano’ng oras ka aalis?” tanong ko na lang. Ewan kung nahalata ba niya na malungkot ang boses ko dahil sa pag-alis niya ulit. Bahala na!

When he took off his long sleeve, he threw it on the floor and walked towards me. Hinapit niya ang baywang ko at walang paalam na hinagkan niya ang mga labi ko. Napapikit ako at walang alinlangan na tumugon sa mga halik niya. Oh, God! Ano ba ang ginawa sa akin ni Hideo? Bakit sa isang halik pa lamang niya nabubuhay agad ang kakaibang init ng katawan ko? Every time he kisses me my body seems to want him to do more than that. Nababaliw na nga ata ako sa kaniya, sa mga halik niya, sa mga haplos niya. He let go off my lips and stared me in the eyes.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon