CHAPTER 34

794 29 5
                                    

TAHIMIK lang ako habang nakatulala sa kawalan. Iniisip ko pa rin ang papa. Kahapon pa kami dinala rito at ikinulong sa madilim na kuwartong ito. Kahapon din kami nagkita at nagkausap ni Zakh. Kahapon ko lang din nalaman na wala na pala ang papa ko. Pero hanggang ngayon ay ayaw pa ring tanggapin ng puso’t isipan ko na wala na siya, na never ko na siyang makikita kung sakali mang makabalik ako sa bahay namin. I was thinking about Manay Salve too. And Giuseppe. I’m sure na hinanap nila ako simula nang gabing tumakas ako sa bahay, lalo na nang malaman nila na wala na si papa. I was thinking... kung sana hindi ako tumakas sa bahay nang gabing ’yon para puntahan si Shiloh sa BGC, sana nakasama ko pa si papa. Kung sana hindi ako umalis sa bahay at sinuway siya, sana nasa tabi niya ako kahit manlang sa huling sandali niya sa mundo. Or maybe, kung hindi ako umalis ng bahay... hindi siguro mangyayari ang nangyari kay papa.

Who killed him? Ano ang kasalanan ng papa ko para patayin siya? Mabait naman ang papa ko a! Wala akong maalala na may nakaaway siya. Even sa business niya. Pero bakit kailangang patayin siya? Bakit kailangang siya pa?

I let out a deep sigh again. Sobrang sakit at bigat pa rin sa puso ko ang mga nalaman ko. I bit my lower lip nang maramdaman kong nag-iinit na naman ang sulok ng aking mga mata. Mayamaya, napalingon ako sa puwesto ni Jule, she was sleeping. Magkatabi kami kanina, pero hindi naman ako inaantok kahit buong magdamag na akong gising kagabi.

Nang makarinig ako ng ingay sa labas ng kuwarto, bigla akong napatitig sa nakasaradong pinto. Hinintay kong bumukas iyon, pero ilang segundo na ang nakararaan, hindi naman iyon bumukas at tumahimik din ang ingay sa labas.

Muli akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Nang mahawakan ko ang singsing na suot ko, kaagad akong napatitig sa daliri ko.

God! Hideo, please come and save me. Sana sa mga oras na ito ay nakabalik ka na sa isla at nalaman mong wala na ako roon, kami ni Jule. Please save me, us!

Tahimik pa rin akong nagdadasal at umaasa na maililigtas nga niya kami ni Jule. But how? I’m sure kung malaman man ni Hideo na wala na kami ni Jule sa isla, mahihirapan din siyang hanapin kami. Pero marami naman siyang tauhan, marami siyang connection. Baka makatulong iyon sa kaniya para mahanap kami. Natatakot na ako rito. Hindi ko alam kung ano ang gusto ni Zakh kung bakit ako nito kinuha, dinala at ikinulong sa lugar na ito. Because in the first place... ito naman ang may malaking kasalanan sa akin e. Ito ang nanakit sa damdamin ko. Pero bakit ngayon kinuha ako nito?

“Are you okay, Ysolde?”

Napatingin naman ako kay Jule nang marinig ko ang boses ito. Nagising na pala ito at bumangon ’tsaka tumabi sa akin.

“Hey!” hinawakan ako nito sa braso ko.

“Sana malaman na ni Hideo na wala na tayo sa isla. At sana mahanap niya tayo rito.”

Malungkot itong ngumiti sa ’kin at yumakap sa braso ko. “Huwag kang mag-alala, Ysolde. I know na mahahanap tayo ni Hideo. Maililigtas niya tayo rito.”

Muli akong napabuntong-hininga at masuyong ginagap ang palad nito. “Sana nga. Natatakot na ako Jule,” sabi ko. “Paano kung hindi siya dumating dito para iligtas tayo?”

“Huwag kang mag-isip ng ganiyan, Ysolde. Naniniwala ako sa kakayahan ni Hideo. Minsan na niyang iniligtas ang buhay ko noon, kaya naniniwala akong gagawin niya ang lahat para lang mahanap tayo. Para lang mahanap ka niya.”

Kahit papaano ay nagkaroon ng pag-asa ang puso ko dahil sa mga sinabi ni Jule. Alright, paniniwalaan ko ang mga sinabi nito. Hahanapin ako ni Hideo para iligtas. Na gagawin niya ang lahat para lang makuha ako kay Zakh.

***

“MAY BALITA NA BA?” tanong ni Hideo sa isa niyang tauhan nang makabalik siya sa isla. Kakababa niya lamang sa helicopter, galing siya sa kaniyang lakad. Imbes kasi na tumunganga at umasa sa kaniyang mga tauhan para hanapin si Ysolde, kumilos na rin siya. Kung sinu-sino sa mga kaaway niya ang kaniyang pinuntahan para lang hanapin ang kaniyang asawa... but as Cloud told him yesterday, wala sa mga kaaway niya ang kaniyang asawa. He was still thinking kung sino ang puwedeng kumuha kay Ysolde... pero wala siyang makuhang sagot. Halos maubos na niyang patayin ang mga kaaway niya, but he still couldn’t get an answer to his question. Where is his wife? Who took his wife?

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon