“ARE YOU ALRIGHT?”
Mula sa pagkakatingin sa malayo, napalingon ako kay Giuseppe nang marinig ko ang boses nito. Dahil nililipad ng hangin ang isipan ko, hindi ko manlang namalayan na nakalapit na pala ito sa ’kin.
Nakaupo ako sa upuang naroon sa ilalim ng puno na ilang hakbang lang ang layo mula sa bahay. Hawak-hawak ko ang tasa ng kape na tinimpla ko kanina. Lumamig na rin iyon dahil sa mahangin ang buong paligid.
Nag-iwas din agad ako ng tingin dito kasabay niyon ang pagpapakawala ko nang malalim na paghinga.
“Yeah!” tipid na sagot ko. Even though, sa loob ko... I’m not okay. Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Hideo kagabi, pagkatapos ng pagtatapat ko sa kaniya tungkol sa pag-ibig ko para sa kaniya... pagkatapos niyang sabihin sa akin na hindi ko siya puwedeng mahalin, hindi ako puwedeng manatili sa tabi niya kasi masasaktan lang ako... hindi na ako naging okay. Hindi na naging okay ang nararamdaman ko. I still feel pain in my heart. Why did he say those words? Bakit naman hindi ko siya puwedeng mahalin? Why? Dahil ba may iba siyang mahal? Iyon ang mga tanong sa isipan ko simula pa kanina. And until now wala pa rin akong makuhang sagot.
Narinig kong nagpakawala si Giuseppe nang marahang buntong-hininga ’tsaka ito umupo sa tabi ko.
“I know you’re not okay,” sabi nito.
Muli akong napalingon dito. Nangunot pa ang noo ko habang nakatitig ako sa seryoso nitong mukha. Nakatingin ito sa malayo.
Nang maramdaman ko ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko, muli akong napayuko at mabilis na kinagat ang pang-ilalim kong labi. “Giuseppe, can I ask you something?” tanong ko rito mayamaya.
“What is it?”
I let out a deep sigh. “Hindi ba... tauhan ka naman ni Hideo? Matagal na kayong magkakilala?” nag-angat ako ng mukha upang muli itong tingnan.
Binalingan din naman ako nito ng tingin. Ilang saglit na sinalubong nito ang mga mata ko. Ako na rin ang kusang nag-iwas ulit nang hindi ko na natagalan ang mga titig nito sa akin.
“Bakit mo naitanong?”
“I just want to know if... if may mahal na siyang iba bago pa man ako mapunta sa kaniya?” tanong ko. Kahit may kaunting kaba at takot sa puso ko sa maaaring maging sagot ni Giuseppe sa tanong ko, but still I need to know the truth. Baka iyon ang dahilan ni Hideo kaya nasabi niya ang mga salitang ’yon. Baka may mahal na siya dati pa kaya hindi ko na siya puwedeng mahalin. Kaya hindi na ako puwedeng manatili sa tabi niya. “I just want to know the truth Giuseppe, please!” I could no longer hold back my tears. Kusa na iyong naglandas sa mga pisngi ko. “G-gusto ko lang malaman kung bakit s-sinabi niyang h-hindi ko siya puwedeng mahalin. Kasi... kasi hindi ko puwedeng gawin ’yon. Mahal ko na siya, e! Mahal na mahal. Kaya nasasaktan ako ngayon dahil sa kaniya.”
Gusto kong malaman ang sagot mula kay Giuseppe, because I know alam nito ang sagot sa tanong ko. But I was disappointed when he did not answer my question. Sa halip ay inakbayan lang ako nito at dinala sa tapat ng dibdib nito.
Wala akong ibang nagawa kun’di ang mapaluha na lamang nang husto. Kasi kung hindi ko ilalabas ang sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon... anytime ay sasabog na ako.
“Just cry, Ysolde!”
“I... I love him Giuseppe.” Impit akong napahagulhol sa dibdib nito. Lalo na nang maramdaman ko ang masuyong paghaplos nito sa likod ko upang patahanin ako. Parang pakiramdam ko, isa siyang kuya na pinapatahan ang nakababata nitong kapatid. Sa klase ng yakap nito sa akin ngayon, parang pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi. Nakahanap ako ng dadamay sa nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Romansa"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...