NOTE: Hola, mga Langga! Baka naman puwede kayong mag-iwan ng comment every chapter kapag tapos na kayong magbasa, boring kasi mag-update kapag walang feedback 😂 And, 7 Chapters na lang ay matatapos na ang book 1 na ito, so, pupunta na tayo sa book 2. Salamat!
***
“GOOD MORNING!” nang makapasok ako sa kusina ay nadatnan ko roon si Jule, nagtitimpla ito ng kape.
“Hi, morning!” ganting bati nito sa akin. “Gusto mo ng kape?”
“Please. Thank you!” sabi ko at pumuwesto agad sa isang silya na nasa tabi ng kabisera.
“Kumusta ang tulog mo?”
“Mmm, okay naman. Hindi naman ako namahay.”
“Ang sabi ni Hideo, aalis daw kayo mamaya?”
Tumango naman ako. “Yeah. Um, uuwi ako sa bahay.”
Bigla naman itong napatingin sa ’kin. Seryoso ang mukha nito nang mapatitig sa ’kin ng saglit at muling tiningnan ang kapeng tinitimpla nito. Pagkatapos ay naglakad ito palapit sa puwesto ko at inilapag sa tapat ko ang tasa.
“Sa inyo?” tanong nito nang makaupo na rin sa silyang nasa tapat ko.
Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga. “Kinausap ko siya kagabi. Sinabi ko kung puwedeng sumaglit ako sa bahay para makita si Manay Salve at ang puntod ni papa. And, he said yes.” Ngumiti pa ako. Naroon pa rin kasi sa puso ko ang tuwa dahil sa pagpayag ni Hideo sa ’kin kagabi na pumunta kami sa bahay.
Ang seryosong mukha ni Jule kanina ay bigla ring nagbago. Ngumiti ito sa akin. “Masaya ako para sa ’yo, Ysolde!”
“Salamat, Jule.”
“Mabuti naman at pumayag siyang umuwi ka sa inyo. Para at least, madalaw mo manlang ang papa mo.”
“That’s what I told him last night.”
Mayamaya ay pumasok sa kusina si Giuseppe. Seryoso ang mukha nito nang magtagpo ang paningin namin. Hanggang sa makalapit ito sa kinaroroonan ng coffee maker. Kinuha nito ang isang tasa na naroon at nagsalin doon ng kape. Pagkatapos ay muli rin itong lumabas ng kusina. Nakasunod ang tingin namin ni Jule sa kaniya, hanggang sa makalabas ito sa pinto.
“Hey, bakit ang sama mo naman ata makatingin sa kaniya?” tanong ko nang mahuli ko si Jule na matalim ang tingin kay Giuseppe.
She let out a deep breath then leaned back in her chair.
“Magkaaway ba kayo?” I asked her again.
“He’s my ex.”
Bigla akong napamaang dahil sa sinabi nito. What? Mag-ex silang dalawa ni Giuseppe?
“You mean, ex-boyfriend mo si Giuseppe?” tanong ko ulit.
Tumango naman ito sa ’kin. Mayamaya ay napangiti ako. Kaya naman pala, simula kahapon... bago kami makaalis doon sa abandonadong building na iyon, sa mga tingin pa lamang ni Giuseppe kay Jule, parang may something na. Ayon naman pala ay may nakaraan silang dalawa.
“So, what’s the story behind the break up?” curious lang ako. Ang akala ko kasi no’ng una... hindi pa rin nagkaka-boyfriend si Jule. Kasi the last time na nagkausap kami about love and relationship, wala naman itong nabanggit sa ’kin. And I remember when I asked Giuseppe before if he had a girlfriend. Ang sabi lang nito sa ’kin may ex-girlfriend itong ipinagpalit siya sa iba. So, si Jule ba ang tinutukoy niya dati?
“Ang ex at past relationship ay hindi na dapat pinag-uusapan pa, Ysolde. Tapos na ’yon at dapat ay ibaon na sa limot lalo na kapag manloloko ang lalaking minahal mo.”
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Romance"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...