I LET out a deep sigh in the air as I stood beside of the bed. Kanina pa ako hindi mapakali at hindi malaman kung ano ang gagawin. Kanina pa ako natapos maligo. Nagbihis na rin ako. Dahil wala naman akong damit dito, kung ano na lamang ang nakita ko sa closet na narito ay iyon na ang kinuha ko at ipinangpalit sa damit ko na sobrang kati na sa katawan ko. Isang sky blue long sleeve polo ang kinuha ko at itim na boxer short. Hanggang kalahati ng hita ko ang haba niyon. Hindi ko alam kung kay Hideo ba iyon o kung kanino, basta isinuot ko na lang habang pinapatuyo ko pa ang damit ko.
“God! How can I escape from this place? Gusto ko na pong makauwi sa amin. Gusto ko ng makasama si papa. I promise po, I will no longer disobey my Papa. Just allow me... to escape from this place.”
Maluha-luhang sambit ko pa habang magkasalikop ang mga palad ko. Muli akong humugot ng malalim na paghinga, saglit ko iyong inipon sa dibdib ko bago malakas na pinakawalan sa ere.
Mayamaya ay nakarinig ako katok mula sa labas ng pinto ng kuwarto pagkuwa’y bumukas iyon.
“Ysolde.”
Pumasok ang babae. She’s... Jule? Iyon ang sinabi ni Hideo kanina na pangalan daw nito.
“Naghihintay sa ’yo si boss sa ibaba.” Anito.
Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling ito. Nakatitig ako ng mataman sa mga mata nito. Ilang saglit lang ay bigla kong naramdaman ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dito at pinunasan ang mga luha kong naglandas na sa mga pisngi ko.
“Huwag ka ng umiyak, Ysolde. Wala ka rin namang magagawa e!”
“Bakit n’yo ako dinala rito? A-ano ba ang kasalanan ko para kidnap-in n’yo ako?” tanong ko.
Ito naman ang nagpakawala ng malalim na paghinga at sumandal sa hamba ng pintuan. Nagkibit pa ito ng mga balikat. “Well, to be honest... hindi ko rin alam na may dinukot si boss at dinala rito sa isla. Nalaman ko lang nang dumating ako kaninang madaling araw at hinabilin ka niya sa akin.”
“You’re a liar!”
“Kung iyon ang paniniwalaan mo. Wala rin akong magagawa roon.” Anito.
Napailing na lamang ako pagkuwa’y napaupo sa gilid ng kama. “I wanna go home! Gusto ko ng umuwi.”
“Look, kahit ano pa man ang gawin mo... hindi ka na makakatakas dito. Kaya kung ako sa ’yo maging mabait at masunurin ka na lang kay boss.”
Jesus! Anong klaseng tao ba ang mga ito? Bakit nila naaatim na mandukot at pumatay? At itong babae na ito... she’s a woman pero bakit ganitong klase ang trabaho nito? Hindi ba ito naaawa sa ’kin? Sa kalagayan ko rito?
“Tumigil ka na kakaiyak diyan. Lumabas ka na kung ayaw mong si boss mismo ang pumunta rito para kaladkarin ka palabas ng kuwartong ito.”
Muli akong napatingin dito nang marinig ko ang mga sinabi nito. Hindi naman na ito ulit nagsalita pa, sa halip ay lumabas na ng kuwarto.
“There is nothing you can do, Ysolde. This is really your life. Wala ka nga atang pag-asa na makakalabas pa ng buhay sa lugar na ito.” Saad ko sa sarili nang muli akong tumayo sa aking puwesto.
Kahit labag man sa aking loob at nanghihina pa rin ang mga tuhod ko, wala na akong nagawa kun’di ang humakbang palabas ng kuwartong iyon. Hanggang sa marating ko ang puno ng mataas na hagdan. Naroon pa man ako sa itaas ay kitang-kita ko na sa sala ang mga tauhan ni Hideo na naroon at nagbabantay. Nakatingin pa sa akin ang mga ito. Nang igala ko ang paningin ko, nakita ko naman si Hideo na naroon sa Lanai at may kausap na naman sa cellphone niya. Nang tumingin siya sa direksyon ko, pinatay na niya agad ang tawag at naglakad na papasok.
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Roman d'amour"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...