TAHIMIK pa rin akong lumuluha habang nakaupo sa malamig na marmol na sahig sa ilalim ng shower. Nagsusumiksik ako sa sulok ng banyo na para bang makakatulong iyon sa akin para patahanin ako at alisin ang sakit at takot na nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling ito.
God! Why are you doing this to me? Bakit mo po ako pinapahirapan ng ganito ngayon? Ano po ba talaga ang nagawa kong kasalanan sa inyo? Did I do something wrong? Makasalanan po ba akong tao noong past life ko kaya po ganito ang nangyayari sa akin ngayon? I lost my mom... nawala ako sa piling ng Papa ko. Nawalan ako ng bestfriend, niloko ako ng boyfriend ko. Tapos ito... ito pa ang nangyayari sa akin ngayon? Please! I wanna go home. Hayaan n’yo na po sana akong makawala sa lugar na ito. Makawala mula kay Hideo.
I can’t do anything right now... but to cry alone. Hanggang sa mapagod na lamang ako kakaiyak. Nanuyo na lamang ang mga luha sa pisngi ko. Ramdam ko ang sakit hindi lamang sa puso ko kun’di pati ang namamaga kong mga mata. Hanggang ngayon ay nag-i-echo pa rin sa isipan ko ang mga katagang binitawan ni Hideo sa ’kin kanina. Ako? Magpapakasal sa kaniya? How dare him? Mas gugustohin ko na lamang ang mamatay dito kaysa ang magpakasal sa isang kagaya niya. Mamamatay tao, masamang tao, lahat nasa kaniya na. Demonyo siya! Wala siyang puso! Wala ba siyang kapatid na babae o Nanay para magawa niya ang lahat ng ito sa akin?
“Ysolde!”
I heard Jule’s voice from inside the room. But I did not bother to answer her. Instead, I hugged my knees and buried my face in them.
“Ysolde!”
I know nasa loob na rin siya ng banyo at malamang na nakatingin sa direksyon ko. But still, hindi pa rin ako nag-abalang mag-angat ng mukha para tapunan siya ng tingin.
“Ang sabi ni boss, magbihis ka raw at bumaba ka sa sala. Naghihintay siya sa ’yo.”
“Tell him... I will not go down there. He would wait if he wanted to.” Mariing saad ko habang nakayuko pa rin ako.
Narinig ko naman siyang nagpakawala ng malalim na paghinga.
“Look Ysolde, kahit pa umiyak ka riyan buong magdamag, buong araw. Kahit pa magalit ka kay boss. Hindi mo na mababago ang isipan niya. Kaya kung ako sa ’yo, sundin mo na lang lahat ng sasabihin niya. Ikaw rin, kung gusto mong masaktan.” Anito.
Kahit pinunasan ko na ang mga luha sa pisngi ko kanina, nabasa na naman iyon dahil sa muling pagragasa ng mga luha ko. Kunot ang noo na nag-angat ako ng mukha at matalim na titig ang ipinukol ko rito.
“Kung ikaw ang nasa posisyon ko ngayon... I’m sure maiintindihan mo rin kung ano ang nararamdaman ko ngayon.” Lumuluhang saad ko. “But you don’t understand me dahil malaya kang nakakagalaw. Dahil hindi ikaw ang bihag ng Hideo na ’yon. Dahil—”
Hindi ko natapos ang iba ko pa sanang sasabihin nang biglang dumating si Hideo. His gaze was sharp on me. Kitang-kita ko rin kung paano umigting ang kaniyang panga.
Walang imik na lumabas naman si Jule sa banyo kung kaya’t naiwan kami ni Hideo.
Hindi na ako nag-abalang iiwas ang tingin ko sa kaniya. Matalim na titig din ang ipinukol ko sa kaniya. Dahil doon, nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan ang mga mata niyang tila nag-aapoy sa galit. Para bang sa mga titig pa lamang niya ay mawawalan na ako ng buhay.
He stepped closer to me. Labis ang pagkabog ng puso ko dahil sa takot sa kaniya, mas lalo akong nagsumiksik sa tiles na nasa likuran ko. Mas lalo kong niyakap ang mga tuhod ko. Sunod-sunod pa rin sa pagragasa ang aking mga luha.
Umupo siya sa harapan ko upang pantayan ako. Kagaya kanina, hindi pa rin nagbabago ang matalim niyang titig sa akin. Mayamaya ay ganoon na lamang ang takot ko nang hawakan niya ang isang palapulsuhan ko.
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Romance"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...