CHAPTER 5

1.1K 26 3
                                    

TAHIMIK lamang akong nakayuko sa tapat ng hapag at pinipilit na kumain. He probably cooked this dish kasi wala naman kaming ibang kasama rito. Masarap man ang pagkain, but I don’t want to eat. I’d rather lose my life here because of hunger than be with him for a long time. Pero kapag mapapatingin ako sa baril niyang nasa ibabaw ng lamesa habang tahimik naman siyang nakatitig sa akin... sinasalakay ng labis na takot ang puso ko.

Lihim akong bumuntong-hininga at pilit na nilunok ang pagkaing nasa bibig ko. I still can’t hold back my tears.

“Eat more, Ysolde!”

Dinig kong saad niya nang bitawan ko na ang kubyertos na hawak ko.

“I—I’m full.” Tipid namang saad ko habang nanatili pa rin sa plato ko ang aking paningin.

“Dalawang subo ng pagkain, busog ka na agad?”

Sa klase ng tinig niya ngayon, hindi ko mapigilan ang sarili ko na muling kabahan. Kaya kahit wala akong gana na kumain... pinilit ko na lamang na hawakan ulit ang kutsara at tinidor ko at muling kumain.

Wala naman na akong narinig na salita mula sa kaniya. Hanggang sa matapos akong kumain. Ako na rin ang naghugas sa pinagkainan ko. Kahit naman kasi lumaki ako na marangya ang buhay at may mga katulong sa bahay, kahit papaano ay may alam naman akong gawaing bahay dahil tinuturuan din ako ni Manay Salve.

Hindi ko namalayan na wala na pala siya sa kusina. Pagkalabas ko roon, hindi ko rin siya makita sa buong sala. Pinakiramdaman ko rin ang itaas ng bahay niya... tahimik naman at mukhang wala roong tao. Nang matuon ang paningin ko sa pintuan; I slowly walked closer to the sliding door. Kahit kinakabahan ako dahil sa iniisip ko ngayong pagtakas na alam ko namang walang kasiguraduhan kung makakatakas ba talaga ako rito... pero sinubukan ko pa rin.

When I got out of the door, the cold breeze of the air immediately embraced my whole body. Napayakap din ako sa sarili ko. Iginala ko sa buong paligid ang aking paningin, and no one was there. So I suddenly ran to the beach. Hindi na ako nakapag-isip ng maayos. Ni hindi manlang sumagi sa isip ko na hindi ko kakayaning languyin ang malawak na dagat na iyon para makatawid sa karatig na isla. Iyon ay kung may kalapit bang isla ang islang iyon na pag-aari ng lalaking iyon. Basta sumulong lang ako sa dagat. My whole body suddenly trembled when I felt the cold water of the sea.

“Help! Help! Please help me!” I shouted when, from a distance, I could see a boat approaching the shore. “Please! Tulungan n’yo ako!” Kahit nanginginig na pati ang boses ko. “Help! Please help me!” Pinilit kong iwagayway ang mga kamay ko para mapansin ako no’ng taong sakay ng sasakyang iyon.

Mayamaya ay napapikit ako ng mariin nang tumama sa mukha ko ang maliwanag na sinag ng flash light na nanggagaling sa kulay puting speedboat na ngayon ay palapit na sa kinaroroonan ko.

When I opened my eyes, I was suddenly struck by fear when I saw him standing in front of the speedboat. His gaze was sharp on me. Bigla akong napalunok ng laway ko.

“What do you think you are doing, Ysolde?”

His voice was loud and frightening, so I was even more afraid of him.

“P-Please!” Suddenly, my tears flowed.

Kitang-kita ko ang pagtiim-bagang niya.

“Take her and bring her home.”

Utos niya sa tauhang kasama niya. Dalawang lalaki naman ang tumalon sa dagat samantalang ang tatlo ay nanatiling nakatayo sa likuran niya.

Nang hawakan ako nang dalawang lalaki, wala na akong nagawa. Ano pa ang laban ko sa kanila? Malalaki silang tao, samantalang ako...

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon