NAKATUON ang paningin ko sa leeg niya habang inaayos ko ang kaniyang necktie. Sabay kaming naligo kanina. And as I expected, we did it once again under the shower. Pagkatapos ay kaagad din kaming nagbihis dahil any minute ay dadating na raw si Kidlat para sunduin siya. Mabuti na lang at palagi kong nakikita si Papa na nagsusuot ng necktie niya kaya natuto na rin ako kung paano isuot iyon.
He was staring at me. Gusto ko sanang mag-angat ng mukha para salubungin ang mga mata niya, pero natakot ako. Baka kasi makita niya sa mga mata ko na nalulungkot ako ngayon dahil aalis din agad siya. Ang oa ko naman, dalawang araw lang naman siyang mawawala e. No’ng una nga ilang araw bago siya umuwi rito at naiiwan lang akong mag-isa.
“Are you okay, baby?”
I could smell his warm breath that touched my face. Tipid akong ngumiti nang matapos ko ng itali ang necktie niya. Bago ako mag-angat ng mukha para tingnan siya, inayos ko pa ang kaniyang kuwelyo. “Yeah, I’m okay.” I smiled at him.
Tinitigan niya ako ng mataman. Para bang gusto niyang basahin ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.
“Um, maiiwan ba ako rito ng mag-isa o may kasama ako?” tanong ko sa kaniya.
“Jule will stay here para may makasama ka. Mag-iiwan din ako ng ilan sa mga tauhan ko para magbantay rito sa inyo.”
Banayad akong tumango. “Okay,” sabi ko na lang at lumayo sa kaniya. Dinampot ko ang gray round neck tshirt niya na nasa ibabaw ng kama ko. Iyon ang isinuot ko at pinarisan ko ng leggings. Mula sa likod ko, ramdam kong nakatitig siya sa akin. Kahit nanlalambot ang mga tuhod ko, pinilit kong tumayo nang maayos para hindi mabuwal sa kinatatayuan ko. Mayamaya, naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang baywang ko at ginawaran niya ng halik ang likod ng ulo ko. I smiled.
“I’ll be right back as soon as my meeting is over, baby.”
Bulong niya sa likod ng tainga ko. A few seconds, pinihit niya ako paharap sa kaniya. Ipinulupot niya sa baywang ko ang kaniyang mga braso at hinapit ako sa katawan niya. Without a word, he claimed my lips. Napapikit na lamang ako at muling dinama ang mainit niyang mga labi. Ilang saglit lang ay pinakawalan niya ulit ako. Pinagdikit niya ang mga noo namin and he fondly rubbed the tip of his nose against the tip of my nose.
“Just wait for me.”
I could smell his fragrant and warm breath again.
“I will wait, Hideo.”
Inilayo niya ang noo niya sa akin. “When I come back, I will tell you something important.”
I frowned and stared at him. Kung kanina puro lust lang ang nakikita ko sa mga mata niya, ngayon naman parang may iba akong nakikita roon. Pero hindi ko lang masabi ko kung ano iyon.
Hindi na bago para sa akin ang pagtibok ng puso kong ito para kay Hideo, I always feel it when he’s around, when he’s next to me or whenever I can just think of him. Pero ngayon, ramdam ko na iba ang kabog ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag. Parang anumang sandali puwede siyang lumabas sa rib cage ko.
Ano ba ang sasabihin niyang importante? Hindi ba puwedeng ngayon niya na lang sabihin sa akin? Parang hindi tuloy ako makapaghintay. Bakit ba? Sasabihin na ba niya sa akin na gusto na rin niya ako? Na pareho na kami ng nararamdaman? That he likes or love me too? Ayokong mag-assume kasi baka masaktan lang ako, pero ang tibok ng puso ko, iyon ang sinasabi sa isipan ko.
Umangat ang isang kamay niya at masuyong pinaglandas ang likod ng mga daliri niya sa pisngi ko. Titig na titig lang ako sa mga mata niya. Hindi ko nga magawang kumurap e. His thumb caressed my lips, his index finger caressed the line of my nose and he pulled the strand of my hair that fell across my face and pinned it behind my ear. He smiled at me. Ngiti na ngayon ko lang nakita na ibinigay niya sa akin. Parang pakiramdam ko mas lalong nanlambot ang mga kalamnan ko. Mabuti na lamang at nakapulupot pa rin sa baywang ko ang isang braso niya. Ang mga kamay ko naman ay napahawak sa damit niya. Sigurado akong magugusot iyon mamaya kapag binitawan ko na.
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Romance"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...