“JULE!” biglang nanlaki ang mga mata ko nang pagkababa ko sa speedboat ay nakita ko naman si Jule na lumabas ng bahay ni Hideo.
Dahil sa tuwa ko nang makita ko ulit ito, kahit malayo ang distansya namin sa isa’t isa ay dali-dali akong tumakbo palapit sa kaniya. Kaagad ko itong niyapos ng mahigpit.
“Hey! Relax.” Natatawang sabi nito sa akin. Nahimigan ko rin sa boses nito na masaya rin ito sa muli naming pagkikita.
“Oh, I’m just happy to see you again, Jule,” sabi ko nang humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. “Kailan ka pa rito?” yumakap ako sa braso nito at iginiya na ito pabalik sa bahay ni Hideo.
“Kanina lang. Kasama ko si Kidlat.”
I frowned. “Kidlat?” tanong ko.
Sakto naman, hindi pa kami nakakaakyat sa lanai nang may lalaking lumabas ng sa pinto. Kunot pa rin ang aking noo habang nakatingin sa lalaking iyon. Pero mayamaya ay napangiti ako.
“Hi Ulap!” masiglang bati ko rito at kumaway pa ako.
But to my dismay, hindi manlang ako nito binati pabalik. Seryoso lang ang hitsura nito habang nakatingin sa akin. Nang makababa na ito sa lanai, nilagpasan lang kami nito ni Jule at dumiretso kay Hideo. Sinundan ko naman ito ng tingin.
“Ano’ng nangyari sa kaniya? Hindi niya manlang ako binati? E, samantalang friends naman na kami a!” bulong na sabi ko.
Humagikhik naman si Jule na siyang naging dahilan nang paglingon ko rito.
“Hindi naman kasi siya si Ulap e,” anang Jule.
Muling nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. “Huh? Anong hindi siya si Ulap?”
“Si Kidlat siya, kakambal ni Ulap.”
Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko at muling napalingon sa lalaking tinawag ni Jule na Kidlat daw. Kausap na nito si Hideo. What? May kakambal pala si Cloud? Bigla ko namang naalala ang unang beses na makita ko ang Kidlat na ito sa loob ng bahay ni Hideo. Akala ko ay ito si Ulap na nagpagupit lang. Kaya nagtataka rin ako nang magkita ulit kami ni Cloud sa yate kagabi. Mahaba ulit ang buhok nito. Ah, now I know. Kaya naman pala. Napagkamalan ko lang si Kidlat ay si Ulap. That’s the reason why he didn’t smiled at me nang batiin ko ito nang maabutan ko itong nasa sala nang isang araw.
“May kakambal pala siya!” sabi ko.
“Yes. But not only one...”
Muli akong napalingon kay Jule.
“Triplets sila.” Anito. “Si Ulap, si Kidlat at si Sky. Sinabi ko na sa ’yo para hindi ka ulit malito kapag nakita mo ang isang kolokoy na ’yon.” Ngumiti pa ito at muli akong hinila upang umakyat na sa lanai.
“Tatlo sila?”
“Uulitin ko pa ba ang sinabi ko kanina, Madam Ysolde?” biglang sumeryoso ang mukha nito. But I know she was just joking.
“Wow! Ang galing naman. I mean, hindi ko pa sila nakikitang tatlo. Or even si Ulap at Kidlat na magkasama, pero siguro nakakatuwa kapag tatlo na silang magkakasama sa iisang lugar ano? Nakakalito na.” Nakangiting sabi ko pa. Well, never in my whole life kasi na nakakita na ako ng triplets. Sa twin oo. Pero sa triplets hindi pa.
“Nako, kahit pagsamahin ang tatlong ’yan... si Ulap at Sky lang naman ang nakakatuwa sa kanila. Si Kidlat kasi makalumang tao ’yan. Hindi marunong ngumiti.”
Nang nasa lanai na kami, muli akong napalingon sa kinaroroonan nila ni Hideo. Seryosong nag-uusap ang dalawa.
Oh, yeah! Pansin ko nga ’yon sa Kidlat na ito. Unang beses pa lang na nakita ko ito, walang kabuhay-buhay ang mukha at mga mata nito. Nang unang akala ko ay ito si Ulap, inisip ko lang na baka badtrip lang ito o wala sa mood kaya hindi ako nito nginitian. Ayon naman pala ay kakabal ito ni Ulap. Sabi nga ni Jule, makalumang tao.
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Romance"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...