CHAPTER 21

1K 34 7
                                    

KINABUKASAN, pagkagising ko ay kaagad na bumungad sa paningin ko ay ang mukha ni Hideo na mahimbing pa ring natutulog. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa na siyang dahilan upang maamoy ko ang mainit niyang paghinga na tumatama sa ilong ko. Wala sa sariling napangiti ako ng malapad nang maalala ko ang nangyari gabi, kung bakit nasa tabi ko siya ngayon at kung bakit mahigpit na nakayakap sa ’kin ang mga braso niya. Nakaunan pa ako sa isang braso niya.

Oh, God thank you! Sa loob ng ilang taon, simula nang mawala si mama, ngayon na lamang naging masaya nang lubos ang umaga ko, ang paggising ko sa umaga. Hindi ko alam, pero sobrang gaan ng pakiramdam ko sa mga sandaling ito habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Hideo na payapang natutulog. I stared at him intently. Gusto kong haplosin ang mukha niya, pero nag-aalala naman ako na baka bigla siyang magising at mahuli niya ako, kaya pinagkasya ko na lamang ang sarili ko na titigan siya. He’s so handsome. Hindi talaga nakakasawang titigan ang mukha niya, kahit pa lagi siyang nagagalit sa ’kin, lagi siyang seryoso, laging magkasalubong ang mga kilay niya at nakakatakot siya. Napakasuwerte ng babaeng mamahalin ni Hideo. Hindi ko pa man siya lubusang kilala, but I’m sure Hideo will be a good boyfriend—a good partner in life. Iyon ang nakikita ko sa imagination ko ngayon habang pinagmamasdan ko siya. Sigurado akong p-portektahan niya sa kahit anumang bagay o mangyayari ang babaeng mahal niya. Hindi niya hahayaan na masaktan o mabastos ang mahal niya. When you are with him, you will feel safe, kahit siya mismo ay nakakatakot talaga.

Hay! Kung hindi lamang sa ganitong paraan kami nagkakilala ni Hideo, baka ura-urada ako mismo ang magtatapat sa kaniya na gusto ko na siya. Pero mahirap ang sitwasyon namin. Kumplekado. But yeah, I like him already.

Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga ’tsaka dahan-dahan na mas lalong ipinagdikit ang mga mukha namin, hanggang sa magdikit ang dulo ng mga ilong namin. I gently rubbed the tip of my nose against the tip of his nose as I smiled sweetly.

Mayamaya, sakto nang bahagya kong inilayo ang mukha ko sa kaniya, ’tsaka ko naman nakitang gumalaw ang talukap ng mga mata niya. Pagising na ata siya. Kaya bago pa man siya magmulat ng kaniyang mga mata, mabilis akong napapikit at nagkunwaring natutulog pa. Ilang saglit akong nakapikit lamang at pinapakiramdaman ko siya. Nang hindi ko naman naramdaman na kumilos siya, dahan-dahan akong muling nagmulat ng mga mata ko. Pero ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita kong gising na nga siya at nakatitig lamang siya sa ’kin

Ganoon na lamang ang pagkabog nang puso ko. Gusto kong pumikit ulit, pero magmumukha na akong katawa-tawa at tanga n’on kung gagawin ko pa iyon. Nahuli na niya ako e!

“Um...”

“Good morning!” Bati niya sa ’kin.

Hindi agad ako nakapagsalita, sa halip ay nakatitig lamang ako sa mga mata niya. God! Umagang-umaga bakit ganito na agad ang kabog nang puso ko? Parang kinikilig ako na ewan. At ang hininga niya, bakit ang bango pa rin kahit kakagising lang naman niya? Nakakahiya tuloy na magsalita baka mabaho ang bibig ko.

Mayamaya ay naramdaman kong kumilos ang dalawang braso niya—hinapit niya ako lalo papunta sa kaniya. Kung hindi ko pa nailayo ang ulo ko, sigurado akong naglapat na naman ang mga labi namin.

Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig sa ’kin. Seryoso siya. Pero mayamaya, unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Yeah! He smiles at me now.

“Are you okay, baby?”

Oh! That baby again! Mas lalong pinapalambot ang puso ko dahil sa baby na ’yan! Mas lalong naguguluhan ang isipan ko dahil sa baby na ’yan! Ano ba talaga ang gusto ni Hideo na mangyari sa ’kin?

I can’t speak. I don’t know what to tell him, kaya sa halip na sagutin ang tanong niya...

“Um, c-can I go down... down to the kitchen to c-cook breakfast?” sa halip ay nauutal na tanong ko sa kaniya.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon