BUMUKA ang bibig ko pero hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko sa lalaking ngayon ay nakatayo sa gitna ng pintuan habang nakangiting nakatingin sa akin.
“Are you not hungry?”
Tanong nito sa ’kin. Dahil doon, wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko nang kumulo na naman iyon.
Bumuntong-hininga ang lalaki at tiningnan ang orasang pambising nito.
“It’s already ten in the morning. Hindi ka pa ba nagugutom?” tanong nitong muli.
“Um—”
“Tsk! Tsk! Tsk!” umiling pa ito. “You are really weird Antonio Hideo Colombo. Magdadala ka ng babae rito tapos hindi mo naman pakakainin.” Sabi nito na bagama’t pabulong, pero narinig ko naman ng malinaw.
My forehead furrowed as I stared seriously at his face. Did he say Hideo’s fullname? Antonio Hideo Colombo? Iyon ang pangalan ng lalaking dumakip sa ’kin at nagkulong sa islang ito?
“Come on, let’s go downstairs. I know gutom ka na.”
Nang mailang ako sa klase ng pagkakatitig nito sa ’kin... bahagya akong nag-iwas ng tingin. “Um, h-hindi raw ako puwedeng lumabas sa kuwartong ito. Hideo might be mad at me again.” Sabi ko.
“Nah!” naglakad ito palapit sa puwesto ko. “He’s not here. Mamayang gabi pa siya babalik dito. So, come on. Kumain ka na muna sa kusina.”
Umalis pala siya! Kaya naman pala hindi siya nagpunta sa kuwarto ko para pakainin ako. O para sabihang puwede akong bumaba sa kusina para kumain. Pero sana manlang sinabihan niya ako kanina bago siya umalis. Paano na lang pala kung wala rito ang lalaking ito ngayon? E ’di naghintay lamang ako rito sa kwarto ng buong maghapon dahil ang buong akala ko ay narito siya sa bahay niya. E ’di namatay na akong dilat dito dahil sa gutom.
“I’m Ulap by the way!”
Napatingin ako sa kamay nitong inilahad sa harapan ko mayamaya. Yeah! I know his name. Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko siya e!
Pero sa halip na tanggapin ko ang kamay nito, muli lamang akong nag-angat ng mukha upang tingnan ito sa mga mata. His puffy eyes are black. His eyelashes are long. His eyebrows are also thick, like Hideo’s. Habang nakatitig ako sa buong hitsura nito, parang pakiramdam ko familiar sa ’kin ang mukha nito. Parang nakita ko na ito dati pero hindi ko lang matandaan kung saan.
“Um, my hand is clean. I washed well after I defecated earlier.” Mukhang nagpipigil pa itong huwag matawa dahil sa pagbibiro nito.
Pero ako... hindi ko na napigilan ang mapangiti dahil sa sinabi nito. Napilitan na rin akong tanggapin ang kamay nito.
“I’m... I’m Ysolde!” pagpapakilala ko.
“Yeah I know! Sinabi nga sa ’kin ni Julemie.” Tumatango pang sabi nito at pinakawalan ang kamay ko. “So, let’s go downstairs? Kumain ka muna.”
“H-hindi ba magagalit sa ’kin ang boss mo?” nag-aalalang tanong ko. Baka mamaya niyan kasi ay bigla na lamang dumating si Hideo at makita akong nasa ibaba at bigla na lamang magalit sa ’kin.
“Mamayang gabi pa siya uuwi. Magkausap kami kanina. Nasa Davao siya kasi may meeting siya roon. So, huwag ka ng mag-alala... kung gusto mo pa ay lumabas ka rin ng bahay para naman makalanghap ka ng mas sariwang hangin sa tabing dagat. Ako ang bahala sa ’yo.” Ngumiti pa ito.
Oh, yeah? Really? Pinapayagan ako nitong makalabas ng bahay? Mmm! Mukha naman itong mabait hindi kagaya ni Hideo. Pero teka... baka naman sinusubukan lang ako ng Cloud na ito? Baka mamaya ay isusumbong ako nito kay Hideo kapag lumabas ako rito.
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Romance"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...