CHAPTER 15

1K 18 2
                                    

MAGKASALUBONG ang mga kilay ni Hideo nang makababa siya sa helicopter at makita si Cloud na ngiting-ngiti habang nakapamaywang pa at nakatayo ilang hakbang mula sa sasakyang iyon.

“Hey boss!” anang binata na sumaludo pa sa kaniya. “How’s your meeting in Davao?” tanong nito at kaagad na sumabay sa paglalakad niya.

“Where is she?” sa halip ay balik na tanong niya.

“Um... she’s in her room.” Sagot nito. “Hindi ko naman siya pinalabas gaya ng utos mo.”

“Has she eaten yet?”

“Hindi pa! Ang sabi niya kasi sa ’kin kanina... ayaw niya raw kumain kung hindi mo siya palalabasin sa kuwarto niya. Mas pipiliin na lang daw niya ang mamatay sa gutom kaysa ikulong mo siya sa kuwarto na iyon pati rito sa isla mo.”

Bigla siyang napahinto sa paghakbang at mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang balingan niya ng tingin si Cloud.

“Iyon ang sabi niya sa ’kin kanina,” mabilis na saad nitong muli kasabay ng pagkibit ng mga balikat nito. “Ikaw naman kasi... bakit hindi mo na lang palabasin sa kuwarto niya si Ysolde? Do you think she can still escape here on the island?” tanong pa nito na sinabayan na rin nabg malalim na pagbuntong-hininga.

Matalim na titig ang ipinukol ni Hideo sa binata bago muling ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakad upang tunguhin na ang bahay niya.

“I told you Guilherme, do not interfere with my decisions.” Seryosong sabi niya.

Mabilis na nagsalubong din ang mga kilay ni Cloud nang banggitin ni Hideo ang totoo nitong pangalan.

“Oh fuck! Fine!” naiinis na sabi na lamang nito. “Just... stop calling me that way.” Anito.

Iyon pa naman ang pinakaayaw ng binata... ang tatawagin ito sa totoo nitong pangalan. He’s half Filipino and half Italian, kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ganoon ang pangalan nito. Noong una ay wala namang kaso rito kung anuman ang pangalan nito, pero nang lumipat ito sa Pilipinas at doon na nag-aral simula high school hanggang kolehiyo, na-conscious na ito sa sariling pangalan lalo pa noong sabihin ng crush nitong hindi raw gusto ng babae ang pangalan nito. So, he decided to gave himself a nickname. But his friends decided to name him Ulap. Mabuti na rin iyon. Hanggang sa tumagal na at nasanay na rin ito sa ganoong pangalan.

Nang makapasok sa bahay ay kaagad na inilapag ni Hideo sa center table ang bitbit na itim na bag.

“Call Jule, she has to come here tomorrow because I’m leaving.” Sabi niya.

Pabagsak namang umupo sa single couch si Cloud. “Where are you going?”

“I had to leave for Cuba.”

“What? Akala ko ba sa susunod na linggo pa ang alis natin para harapin si Massimo—”

“I’ll be the one to leave. Biglaan ang pag-alis ko bukas dahil nagkaroon ng malaking problema ang isang negosyo natin doon,” pinutol niya ang pagsasalita ni Cloud at dinampot ang bote ng alak na naroon lang din sa center table at nagsalin sa isang baso. Inisang lagok niya ang laman niyon at muling nagsalin ulit bago naglakad palapit sa isa pang single couch at doon pumuwesto. “Kailangan mong magpunta sa Cebu bukas ng umaga para asikasuhin ang mga bagong shipment natin na bukas ang dating sa pier.”

“Okay! Ako na ang bahala roon.”

“And you also need to go to Matias. He had a problem with one of our dealers. I don’t want my name to be tarnished because of the stupidity he did.”

“Ano ba ang gagawin ko sa kaniya?” seryosong tanong ni Cloud.

“Teach him a lesson. Or end his life so that he will not be a problem to me anymore.” Nagtiim ang mga bagang niya kasabay ng pagpapakawala nang malalim na buntong-hininga.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon