NANLALABO man ang aking paningin, pero pinilit kong maglakad sa pasilyo para lumayo sa unit ni Shiloh. Ewan, pero hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ngayon ng puso ko. Sobrang galit din ako kay Zakh, lalo na kay Shiloh. Mga hayop sila! How did they do this to me? Zakh told me, he was in abroad because of his business trip... tapos ngayon malalaman ko na lang na si Shiloh pala ang tinatrabaho niya.
And Shiloh? She was my childhood bestfriend. Simula Kindergarten, ito na ang kaibigan ko. Hanggang sa mag college kami... then this is what she will do to me? I thought she was my real friend.
Kailan pa nila ako niloloko ni Zakh? Kailan pa nila ginagawa itong kababoyan nila?
Muling bumuhos ang mga luha ko at napahagulhol ako. Nanghihina ang mga tuhod ko na napasandal ako sa pader sa gilid ng pasilyo. Tutop ang aking bibig habang humahagulhol pa rin. Kahit may iilang mga tao ang naroon at nakakita sa akin, hindi ko na lamang iyon inintindi.
“Ysolde! Babe!”
Narinig ko ang boses ni Zakh. Mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman ng puso ko nang lumingon ako rito. Wala itong pang-itaas na damit. Ang pantalon naman nito ay hindi pa naisarado ang zipper. Pawisan at gulo-gulo pa ang buhok nito.
“Babe—”
Dahil sa galit ko, ubod lakas ko itong sinampal nang makalapit na ito sa akin nang tuluyan.
“How dare you?” singhal ko rito habang patuloy pa rin ang pagragasa ng mga luha sa pisngi ko.
“Babe—”
“Babe?” sigaw ko ulit. Halos maputol ang mga ugat sa leeg ko. Nanginginig talaga ang buong katawan ko ngayon dahil sa sobrang galit. Maging ang kamay ko na nasaktan nang sampalin ko ito nang pagkalakas ay muling nangati at gusto ko iyong gamitin ulit upang paghahampasin siya. But I stopped myself. Napailing ako nang sunod-sunod habang nakatitig ako rito. “How dare you, Zakh?”
“Let me explain—”
“Pagkatapos ng mga nakita ko kanina sa loob ng kuwarto ni Shiloh? Habang nagpapakasarap kayong dalawa roon, may gana ka pang magpaliwanag sa akin ngayon? Para ano? Para ano Zakh?” malakas na singhal ko rito ulit.
Puro galit ang nag-uumapaw ngayon sa puso ko. Na kahit magsisigaw ako rito, na kahit pagsasampalin ko ulit ito, hinding-hindi mawawala ang galit at sakit na nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling ito. Dahil sa nalaman ko. Dahil sa mga nakita ko. I feel the sharp knife slowly sinking into my heart... at pagkatapos n’on ay pipira-pirasuhin niyon ang puso ko.
“Kailan mo pa ako niloloko? Kailan n’yo pa ako niloloko ni Shiloh, huh? Matagal na ba, Zakh?” may diing tanong ko ulit.
Ang mga mata kong nakatitig rito ay puno ng hinanakit at pagkabigo dahil sa mga nangyari ngayon. God knows how much I love this man. Pati ang bestfriend ko... pero nagawa pa rin nila akong lokohin at saktan.
Hindi naman ito sumagot agad.
Humugot ako nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi.
“Akala ko ba... nasa abroad ka? Pero bakit nasa kuwarto ka ni Shiloh at kasama siya?”
“Babe... I-I’m sorry.”
Bigla akong natawa ng pagak nang marinig ko ang paghingi nito ng sorry. Muli rin akong napaluha at napahagulhol. Ibig sabihin lang ng sorry na iyon... matagal na silang may relasyon ni Shiloh... habang may relasyon din kaming dalawa!
Paano nila nagawa ito sa akin? Alam din ni Shiloh kung gaano ko kamahal si Zakh. Pero bakit nagawa pa rin ako nitong traydurin?
Dahan-dahan akong tumalikod. Kasi kung magtatagal pa ako sa harapan nito, baka hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa sarili ko. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na balikan si Shiloh at saktan ito.
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Romance"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...