CHAPTER 13

941 18 4
                                    

MARIIN pa ring nakapikit ang mga mata ko... ang mga palad ko ay masuyong dumapo sa tapat ng kaniyang dibdib nang umangat iyon. He claimed my lips even more as my lips moved slightly. Ewan ko rin kung bakit ko iyon ginawa. Did I respond to his kiss? No! I shouldn’t have done that. Baka isipin niyang gusto ko ang ginawa niyang paghalik sa ’kin.

I slowly opened my eyes at nakita ko naman siyang nakapikit din. When I felt him move and pushed me slightly until I could feel my back on the tiles... doon ako biglang bumalik sa sarili ko. Bigla akong nag-panic sa maaari niyang gawin sa ’kin. I suddenly pushed him to his chest upang lumayo sa kaniya.

“A, um—” I have not been able to look at him directly. Napalunok ako ng aking laway kasabay ng pagyakap sa sarili ko.

Hindi naman siya nagsalita, but I can feel him staring at me. Mayamaya ay hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at naglakas loob akong tumingin sa kaniya. When our eyes met... my heart beat even faster. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

“Ysolde!”

Kahit wala na akong maatrasan sa likod ko dahil nakasandal na ako sa pader, pinipilit ko pa rin ang sarili ko na lumayo sa kaniya nang humakbang siya ulit palapit sa ’kin.

“N-no!” nauutal na sabi ko.

Hindi naman siya nakinig sa ’kin. Sa labis na kabog ng puso ko na hindi ko maintindihan kung natatakot ba ako o ano... naipikit ko nang mariin ang mga mata ko. Pero wala naman akong ibang naramdaman na ginawa niya sa ’kin kun’di hinawakan niya lamang ang isang kamay ko at masuyo niya akong hinila papunta sa ilalim ng shower. Nagmulat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang medyo malamig na tubig ng shower na bumuhos sa ulo ko hanggang sa buong katawan ko. Binuksan niya pala iyon.

“Take a shower. Baka magkasakit ka pa niyan!”

Iyon lamang ang sinabi niya at kaagad siyang tumalikod at lumabas ng banyo. Naiwan akong tulala at tigagal habang bumubuhos pa rin sa ’kin ang tubig.

Hindi ako sigurado kung ilang minuto na akong nakatayo lamang sa ilalim ng shower at hinahayaan na bumuhos ang tubig sa buong katawan ko. Nang unti-unti na akong bumalik sa sarili ko, kaagad na umangat ang isang kamay ko at napahawak sa mga labi ko. God! He kissed me. Why? Why did he do that? Hanggang ngayon, kahit nasa ilalim ako ng shower, ramdam ko pa rin ang mainit at malambot niyang mga labi na nakalapat sa mga labi ko at mas lalo pa rin nagreregodon ang puso ko.

Hindi ko na namalayan kung paano akong nag-umpisa at natapos maligo. Basta namalayan ko na lamang ang sarili ko na nakaupo na sa gilid ng kama habang nililipad pa rin ng hangin ang utak ko. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang ginawa ni Hideo sa ’kin kanina.

Sumandal ako sa headboard ng kama at nakatulala lamang sa kawalan. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko na hanggang ngayon ay ayaw pa rin tumigil sa malakas na pagkabog. Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa hilahin na ako ng antok.

“GIUSEPPE!”

Kaagad na naglakad ang binata palapit sa matandang Salve. “Yes, Manang Salve?” anito.

“Wala pa rin bang balita kung nasaan si Ysolde?”

Mababakas pa rin sa mukha ng matanda ang labis na pag-aalala nito para sa alaga nitong si Ysolde. Tatlong araw na simula nang umalis ang dalaga ng walang paalam. Simula nang gabing iyon ay hindi na nakauwi ang dalaga sa mansion. Tatlong araw na ring pinaglalamayan ng mga ito si Bernard. Labis na nagulantang ang mga tao sa mansion nang makatanggap ang mga ito ng tawag noong gabing iyon at sinabing natagpuang patay si Bernard sa loob mismo ng sasakyan nito sa parking lot ng Casino. Ayon sa mga Pulis, wala namang nakitang kahit ano na makakapagtukoy na pinatay ang matanda. Base sa resulta naman ng test na ginawa ng mga doctor sa hospital, inatake lamang ng sakit sa puso ang matanda kaya ito binawian ng buhay. Kung naagapan daw, maaaring nakaligtas pa ito. Pero halos isang oras na ang lumipas bago ito nakitang wala ng malay sa loob ng sasakyan.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon