CHAPTER 6

1.1K 17 1
                                    

“GISING!”

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ng isang babae maging ang pagyugyog nito sa may paa ko.

Kahit ramdam ko ang pananakit ng ulo ko, ng buong katawan ko... I opened my eyes slowly. Unang bumungad sa malabo kong paningin ay ang mukha ng isang babae na parang hindi ata nalalayo ang edad sa edad ko. She’s wearing black leather jacket and black pants. Her hair was braided and she’s wearing black lipstick too. Dahil sa klase ng titig niya sa ’kin... ako mismo ang nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Sa sobrang pananakit ng buong katawan ko, hindi na ako makagalaw sa puwesto ko. Oh, yes! Buong magdamag ay nakaupo lamang ako at nakasandal sa headboard ng kama. Basang-basa ako ng dagat kagabi, pero natuyo na lamang ang buhok ko maging ang damit na suot ko. Ang mga kamay kong nakaposas pa rin sa itaas ng headboard ay parang naging manhid na at hindi ko na nararamdaman iyon.

Thank God at hindi naman pala ako naabutan dito na isang malamig na bangkay na lamang. I’m still alive. Pero dapat ko bang ipagpasalamat iyon? Gayo’ng alam ko naman na isang pagsubok at paghihirap na naman ang kakaharapin ko sa bagong umaga at bagong araw na ito? Ano na naman ang mangyayari sa akin ngayon?

“S-sino ka?” mayamaya ay tanong ko rito nang maramdaman kong hindi pa rin nito inaalis ang paningin sa direksyon ko. Naiilang na ako.

Nangunot lamang ang noo ng babae.

“I said, w-who are you?”

Sa pagkakataong iyon, doon ko lang namalayan na sobrang hina pala ng boses ko. Halos walang tinig ang lumabas sa bibig ko. Siguro dahil iyon sa lamig at basa na natuyo na lamang sa buong katawan ko sa magdamag, kaya nawalan ako ng boses.

“Kumain ka na!”

’Tsaka ko naman nakita ang tray na nasa gilid ng kama. My stomach suddenly swelled with hunger nang makita ko ang pagkain.

“H-how can I eat?” tanong ko at napatingin sa kamay kong nakaposas pa rin.

Bumuntong-hininga naman ng malalim ang babae ’tsaka may dinukot sa bulsa ng pantalon nito. She took the key in her pocket. Lumapit ito sa gilid ng kama at tinanggal ang posas sa kamay ko. Doon ko mas lalong naramdaman ang pananakit ng palapulsuhan ko. Pero nakahinga rin ako ng maluwag at guminhawa ang pakiramdam ko pagkatapos. I hold my wrist and lightly massaged it. May sugat ako at may namuo pang dugo roon. Dahil siguro iyon sa pagkakabanat ng kamay ko kagabi habang natutulog ako.

“Kumain ka na bago pa dumating si boss. Sigurado akong magagalit iyon sa ’kin dahil pinakain kita.”

I looked at her again when I heard what she said. Pero naglakad naman ito papunta sa single couch na naroon sa sulok ng kuwarto. Doon ito pumuwesto. Nakadekwatro pa ito habang nakapatong sa ibabaw ng armchair ang isang siko. Seryoso ring nakatitig sa akin.

“Eat now, Ysolde.”

Wala sa sariling napalunok ako ng laway ko at mabilis na nagbawi ng tingin dito. Tinapunan ko naman ng tingin ang pagkain. Nang muling kumalam ang sikmura ko, dahan-dahan kong inabot ang tray at tahimik na kumain. Kahit papaano ay naramdaman ko naman ang ginhawa sa mga kalamnan ko. Pero ganoon pa rin ang sakit na nararamdaman ng buong katawan ko.

“Are you done?”

Dinig kong tanong sa akin ng babae kaya napatingin ulit ako sa direksyon nito. Bahagya lang akong tumango.

Tumayo naman ito sa puwesto nito at muling lumapit sa kama.

“Mamaya ka na magbihis, tutal naman at tuyo na ang damit mo. Hindi kita puwedeng bigyan ng bihisan dahil ako ang mananagot kay boss.”

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon