CHAPTER 19

1K 33 10
                                    

NOTE: Hi mga Langga, baka po puwedeng makahingi ng comment every chapter na mababasa ninyo 😁 pampagana lang para every day ang update ko rito hanggang sa book 2. Thank you!

***

NAALIMPUNGATA ako mula sa masarap na pagkakatulog ko nang maramdaman ko ang malamig na hangin na pumapasok sa nakabukas na pinto ng bintana. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bahagyang kumilos sa puwesto ko. I barely moaned when I felt pain in my lower body-between my thighs.

"Ahhh! Ouch!" daing ko kasabay nang mariing pagpikit ko ng aking mga mata.

Mayamaya ay muli akong napamulat at napatingin sa may bintana nang lumakas ang hangin at mas lalong isinayaw ang kurtinang naroon. Anong oras na kaya? Madilim na kasi sa labas. Muli akong kumilos sa puwesto ko.

"Ouch!"

Parang pakiramdam ko wala akong lakas para kumilos. Ramdam ko ring sobrang sakit ng mga hita at katawan ko. There is soreness in my womanhood.

Mayamaya ay bigla rin akong natigilan nang maalala ko si Hideo, nang maalala ko ang mga nangyari sa amin kanina. Wala sa sariling napaangat ang mga kamay ko upang tanggalin ang kumot na nakatakip sa katawan ko. Yeah right! Hindi nga panaginip lang ang nangyari sa 'min ni Hideo kanina. It was real. Wala akong suot ni isang saplot. I'm totally naked. The pain and soreness of my womanhood is evidence that I already gave myself to Hideo earlier. Ewan ko ba... wala akong makapang pagsisisi sa sarili ko ngayon, kung bakit ibinigay ko sa kaniya ang sarili ko kanina. Walang panghihinayang sa puso ko.

Tipid akong napangiti at nakagat ang pang-ilalim kong labi nang muling sumagi sa isipan ko ang mga tagpong nangyari kanina.

Wow! I can't believe myself. It was my first time, pero bakit parang naging wild naman ata ako? God, Ysolde! Napailing na lamang ako kasabay ng pagpapakawala ko nang malalim na buntong-hininga.

Mayamaya ay nakaramdam na rin ako ng gutom-nang kumalam ang sikmura ko. Dahan-dahan akong muling kumilos sa puwesto ko para umupo sa kama. 'Tsaka lamang ako nagbaling ng paningin ko sa tabi ko. Ewan ko, pero bigla akong nakaramdam ng lungkot nang hindi ko nakita roon si Hideo.

Oh, Ysolde! At talagang umasa ka pang pagkagising mo ngayon ay nandito pa rin sa tabi mo si Hideo? Nakakalungkot mang isipin-but yeah! I was expecting na pagkagising ko ay narito pa rin siya sa tabi ko.

Muli akong humugot nang malalim na paghinga 'tsaka ko iyon pinakawalan sa ere. Ilang saglit akong nakaupo lamang sa gilid ng kama bago dahan-dahan na muling kumilos para bumangon ng tuluyan. I need to go to the bathroom para maligo na. Yakap-yakap ko sa katawan ko ang makapal na kumot. Hanggang ngayon ay amoy dagat pa rin ako. Natuyo na lamang ang tubig dagat sa katawan dahil sa ginawa namin ni Hideo kanina.

Kahit hirap man akong kumilos, hirap akong maglakad ay pinilit ko pa rin ang sarili ko, hanggang sa makapasok ako sa banyo. Binuksan ko ang gripo na naroon sa bathtub habang nakaupo ako sa gilid niyon. Nang mapuno na 'yon 'tsaka ko tinanggal ang kumot na nakapulupot sa katawan ko at sumakay na roon. Saglit akong nagbabad sa tubig. After about fifteen minutes, nagbanlaw na rin ako. Suot ang robe habang nakapusod naman ng tuwalya ang buhok ko ay lumabas ulit ako sa banyo. Kahit papaano ay nabawasan din ang sakit na nararamdaman ko sa ibaba ko. Guminhawa rin ang buong katawan ko.

Umupo ulit ako sa gilid ng kama ko. Nakatingin lamang ako sa nakasaradong pinto ng silid. I was waiting kung may magbubukas ba roon para tawagin ako para kumain na. Pero halos lumipas na ang ilang minuto habang nakaupo ako sa gilid ng kama at nakatitig sa nakasaradong pinto, hindi pa rin iyon bumukas. Wala pa ring Jule o Hideo ang pumapasok dito sa kwarto para puntahan ako. Mas naramdaman ko na rin ang pagkalam ng sikmura ko.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon