CHAPTER 40

816 25 4
                                    

WARNING!!!
RATED SPG🔞

This chapter contents bed scene and vulgar words that are not suitable for young or minor readers. Please, just skip this page if you don’t want to read matured content! Thank you!

***

LATAG na ang gabi pero nasa labas pa ako ng bahay. Nakaupo ako sa damuhan, sa ilalim ng isang puno na nasa ’di kalayuan mula sa bahay. Kahit malamig ang simoy ng hangin, hindi ko ito pinansin. Suot ko naman ang jacket ni Hideo, e!

I sighed and looked up at the dark sky. Maraming nagkalat na maliliit na bituin sa kalangitan. Parang dyamente at ang sarap sa mga matang pagmasdan. I even saw a shooting star pass by quickly. Napangiti ako at mabilis na pumikit at nag-wish.

“It’s cold out here.”

Bigla akong napamulat at napatingala kay Hideo na hindi ko manlang naramdamang lumapit na pala sa puwesto ko.

Nakapamaywang na tumayo siya sa tabi ko at tumingala rin sa kalangitan.

“Are you not sleepy?”

Muli kong niyakap ang sarili ko. “Hindi pa naman. Gusto ko lang magmunimumi saglit.”

Mayamaya ay umupo siya sa tabi ko. Sumandal siya sa hindi kalakihang katawan ng puno at kinabig ako palapit sa dibdib niya. Niyakap niya ako mula sa likuran ko. I felt his warm body kaya hindi ko na rin naramdaman masiyado ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa mga katawan namin.

“Hideo.”

“Mmm?”

Banayad akong muling nagpakawala nang paghinga at mas lalo pang isinandal sa katawan niya ang buong lakas ko. “Can I ask you a favor?” tanong ko. “I mean, k-kung okay lang?”

Hindi naman agad siya nagsalita. “What is it?” mayamaya ay tanong niya.

“Can you help me find out who killed my papa?”

Pero wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Mayamaya ay kumilos ako sa puwesto ko. Niluwagan naman niya ang pagkakayakap sa akin. I turned to him para tingnan siya, seryoso naman ang mukha niya habang nakatingin sa ’kin. Madilim man ang buong paligid dahil may distansya rin ang kinaroroonan namin mula sa bahay—naroon pa sa labas niyon ang ilaw, pero nababanaag ko naman sa mukha niya ang labis na pagkaseryoso niya sa mga sandaling ito.

Ilang saglit na nagkahinang ang mga paningin namin bago ako nagbaba ng mukha. I bit my lower lip. “I want to know who killed my papa. I want him to pay for his sin, Hideo. Gusto ko siyang makulong. Magdusa sa kalungunan hanggang sa mawala siya sa mundo.” I pause for a moment. “Please help me!” I begged him to help me. Kasi sa mga panahong ito, sa sitwasyong kinakaharap ko ngayon wala akong ibang puwedeng mahingian ng tulong kun’di siya lang. Tanging si Hideo lang. Mayamaya ay hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko. Oh, jeez! Simula nang malaman kong wala na si papa, ang bilis ko na lamang maluha. Nagiging iyakin na ako ngayon. 

Mayamaya ay umangat ang isang palad niya at masuyong pinunasan ang mga luhang pumatak sa pisngi ko. Umangat pa ang likod niya mula sa pagkakasandal sa puno at muli akong niyakap.

“Don’t worry... I will help you, Ysolde.”

Gumanti ako ng yakap sa kaniya. Ipinilig ko sa dibdib niya ang ulo ko at mariing pumikit. Oh, God! Thank you! Mabuti na lamang at nasa tabi ko ngayon si Hideo. Dahil kung hindi, hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko.

“Thank you, Hideo!” Sambit ko sa kaniya.

He didn’t speak. Pero naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at mas lalo pa akong niyakap nang mahigpit.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon