“HAVE a sit, Ysolde!”
Napatingin ako sa kaniya nang marinig ko ang sinabi niya. I was standing on the side of the sliding door of the lanai, while he was sitting on the sofa. Siguro naramdaman niya ang presensya ko nang lumapit ako roon kaya inalok niya akong umupo.
Kinakabahan pa rin ako sa kaniya, pero pinilit ko ang sarili ko na maging normal ang kilos ko ngayon. Well, mabait naman na siya sa ’kin ngayon e! I think so.
Bahagya muna akong nagpakawala nang banayad na paghinga ’tsaka humakbang na palabas ng pintuan at umupo sa dulo ng sofa. Nasa dulo rin naman siya.
Our situation is awkward now. No one was talking and we were both just silently staring at the beach. Pinapakiramdam ko rin siya. Minsan nga tinitingnan ko siya sa gilid ng mata ko. Seryoso pa rin naman siyang nakatingin sa malayo habang may hawak na rock glass na may lamang alak. Dahil sa kabang nararamdaman ko, nagsimula na rin akong i-tap ang isang paa ko. Ang mga daliri sa kanang kamay ko ay tina-tap ko na rin sa ibabaw ng hita ko. Ganito ako kapag tensyonado at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
“How are you, Ysolde?”
Bigla akong napalingon sa kaniya nang marinig ko ang tanong niya. His sight still remained in the distance.
“Um...”
Ano ang isasagot ko sa kaniya? That I’m okay? I’m okay that I’m here on his island and imprisoned for a few days? Iyon ba ang sasabihin ko sa kaniya? I don’t know.
He turned to me and stared into my eyes for a moment. “Tell me about yourself, Ysolde!”
“Huh?” naitanong ko sa kaniya.
“I want to know you, baby!”
God! Ano ba talaga itong ginagawa ni Hideo sa ’kin ngayon? Ano ba ang gusto niyang mangyari? And... why does he want to know me more?
Wala sa sariling napalunok ako ng laway ko at nagbaba ng mukha.
“Tell me.”
Ramdam ko ang otoridad sa boses niya ngayon.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at saglit na nagpakawala muli nang banayad na paghinga at kinagat ko ang pang-ilalim kong labi. “W-what... what do you want to know about me?” tanong ko sa kaniya.
“Everything.” Tipid na sagot niya.
“W-well... um, I-I’m Maria Ysolde Latorre,” sabi ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya, pero bahala na! “I’m already twenty seven. And, um... siguro alam mo ng isa lang akong anak ni papa.” Bahagya akong tumingin sa kaniya nang saglit akong tumigil sa pagsasalita. He was just looking at me, seriously. “I studied Bachelor in Business Administration major in Marketing. Plano kasi namin ni papa na ako ang magta-take over sa family business namin kapag nag-retire na siya. And... my mom passed away, five years ago. We had a car accident while on our way home from our vacation in Antipolo. I am the only one who survived,” saglit akong muling natigil sa pagsasalita nang maalala ko na naman ang aksidenteng iyon noon. It’s been five years, but the sadness and the pain in my heart are still here. Hindi pa rin ito lubos na naghihilom. I’m missing my mom. I let out a deep sigh and smile bitterly. “Malungkot pa rin hanggang ngayon. Masakit pa rin. Pero, wala naman na akong magagawa at hindi ko na maibabalik ang buhay ng mama ko. I need to accept the truth na kahit kailanman ay hindi ko na siya makikita.”
Nang maramdaman ko ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko ay mabilis kong kinagat ulit ang pang-ilalim kong labi at pilit na ngumiti. Muli akong bumuntong-hininga nang malalim.
“I have a childhood best friend who I consider my sister. Her name is Shiloh. And, I also have a boyfriend.” Muli akong tumigil sa pagsasalita nang maalala ko rin ang panloloko nila sa ’kin. Ang mga tagpong nadatnan ko sa loob ng condo unit ni Shiloh. Hanggang ngayon, kapag sumasagi sa isipan ko ang gabing iyon, bigla na lamang kumikirot ang puso ko at naiiyak na lang ako bigla. “The night you see me crying in the elevator, I was in so much pain that time,” sabi ko at nilingon ko siya. “You know why, Hideo?” malungkot na tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓
Romance"Marry me and say I do, or I will end your life Ysolde? You choose!" Maaari nga bang umibig ang isang tao kahit hindi pa man niya lubusang kilala ang taong pinag-uukulan niya ng pagmamahal? Habang bihag ni Antonio Hideo Colombo, hindi rin napigilan...