CHAPTER 44

817 30 10
                                    

ATTENTION!!!

Last chapter na po bukas, so, bukas ko na lang din po i-post dito ang GRIPPED Book 2, continuation nitong TRAPPED.

***

MALAKAS na tinadyakan ni Hideo ang pinto ng kuwarto para mabuksan iyon. Pagkatapos ay nagmamadali siyang pumasok. Sakto namang nakita niya si Zakh na nasa ibabaw ng kama at nakapatong sa ibabaw ni Ysolde. Dahil sa ginawa niya kaya napalingon ito sa may pinto. Halata sa mukha nito ang pagkagulat nang makita siya roon.

Ipinagpalipat-lipat niya ang kaniyang tingin kay Zakh maging sa kaniyang asawa na walang malay at halos mahubaran na ng damit.

“Hideo!”

“Damn it!” tiim-bagang na sabi niya at malalaki ang kaniyang mga hakbang na lumapit sa kama. Hindi pa man nakakakilos si Zakh sa puwesto nito ay kaagad niya itong sinuntok ng malakas na siyang naging dahilan upang mapasubsob ito sa kama. “Putang-ina! What did you do to my wife?” nagpupuyos siya ng galit. Mabilis niyang hinawakan ang braso nito at hinila ito upang mahulog sa kama.

Hindi naman nakapalag si Zakh nang bigla niya itong inibabawan at sunod-sunod na suntok ang ginawa niya sa mukha nito. Sunod-sunod at walang pahinga hanggang sa mapuno ng dugo ang kaniyang kamao dahil sa panggigigil niya sa lalaki.

“Fuck you, Zakhar!” tiim-bagang at naggagalaiti pa ring sabi niya.

Hindi manlang nakalaban ang huli dahil sa labis na galit na nahubay sa katawan ni Hideo. Hindi niya ito tinantanan hanggat hindi ito nawawalan ng malay.

Sunod-sunod at mabilis na nagtaas baba ang kaniyang dibdib at mga balikat dahil sa hingal niya. Nang makita niyang wala ng malay si Zakh, ’tsaka lamang siyang unti-unting tumigil sa pagsuntok sa mukha nitong napuno na ng sariling dugo.

“H-hideo!”

Nang marinig niya ang mahinang boses ni Ysolde, nilingon niya ang kaniyang asawa na nasa ibabaw ng kama. Nagmamadali siyang umalis sa ibabaw ni Zakh at dinaluhan ang asawa.

“B-baby!” tawag niya rito at sinuyod niya ng tingin ang kabuuan nito. Thank God hindi nagalaw ni Zakh ang kaniyang asawa. Dahil kung nagkataong nagtagumpay si Zakh na gawin iyon, hindi niya ito tatantanan. Kahit sa kabilang buhay ay susundan niya ito para lang patayin niya ito. Nanginginig ang kaniyang mga kamay na inayos niya ang nasirang damit na suot ni Ysolde. Nagmamadaling hinubad niya rin ang suot niyang jacket at ipinatong iyon sa dibdib ng kaniyang asawa.

“H-hideo!”

Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Ysolde at tumingin sa kaniya. Mapait naman siyang ngumiti sa kaniyang asawa at hinaplos niya ang mukha nito.

“You’re safe now, wife.” Aniya at hinalikan niya ito sa noo pagkatapos ay inangat niya ang ulo nito, inilagay niya sa kaniyang braso at niyakap niya ito nang mahigpit. Kahit papaano ay nabawasan na rin ang takot at kaba na nararamdaman ng kaniyang puso kanina. “You are safe now, wife. Oh, God! You scared me. I love you, Ysolde. I love you, wife.”

KAHIT NANGHIHINA pa rin ang buong katawan ko, hindi pa ako makakilos nang maayos, nangunot ang noo ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. He loves me too? Hideo loves me, too. Nag-init ang sulok ng mga mata ko at hindi ko napigilan ang aking mga luha. Sunod-sunod iyong pumatak sa aking mga mata.

Naroon na naman ang pamilyar na kirot sa puso ko. God! Kung sana hindi ko alam na siya ang pumatay sa papa ko, kung sana hindi siya ang pumatay sa papa ko, baka magtatalon pa ako sa tuwa because finally, he said he loved me too. Iyon lang naman ang tanging ipinagdadasal ko simula nang aminin ko sa sarili ko na mahal ko na siya. I was praying na sana dumating ang araw na masasabi niya rin sa akin na mahal na niya ako. Dumating nga ang araw na pinakahihintay ko, pero hindi naman matanggap ng puso ko ang pag-ibig na sinasabi niya sa akin. Dahil mas nag-uumapaw ang galit at poot sa puso ko kaysa sa pagmamahal ko para sa kaniya. I love him, but I love my papa, too. I can’t love the man who killed my dad.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon