CHAPTER 39

758 23 2
                                    

“HINDI ko lubos akalaing magagawa ni Shiloh at Zakh ang lahat ng ito sa ’yo, hija.” Malungkot na sabi ni Manay Salve nang ikuwento ko rito ang lahat ng nangyari nang gabing tumakas ako rito sa bahay at nalaman ko ang ginagawang panloloko sa akin nina Shiloh. “Parang magkapatid na ang turingan ninyo ni Shiloh.”

“Hindi ko rin po lubos na mapaniwalaang magagawa niya ang lahat ng iyon sa akin Manay Salve. Pero...” malungkot akong nagbuntong-hininga at saglit na huminto sa pagsasalita. “Wala naman na po akong magagawa. Nangyari na po ang lahat. Karma na lamang po ang bahalang bumalik sa kaniya. I trusted her. I treated her like my own sister. Pero ganito pa ang ginawa niya sa ’kin. Napakasakit po Manay.”

Nahahabag namang hinawakan ni Manay Salve ang mga palad ko at masuyo iyong pinisil. “May awa ang Diyos anak. Alam ko at sigurado akong may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito ngayon sa ’yo. Magpakatatag ka lang.”

Tumango naman ako sa mga sinabi nito. Muli akong nagpakawala nang malalim na paghinga. Pagkatapos namin mag-usap ni Manay Salve ay nagpasya na rin akong bumaba para balikan sina Hideo sa sala.

Nakayakap ako sa braso ni Manay Salve habang pababa na kami ng hagdan. Nasa sala pa rin sina Hideo at Giuseppe. Nang makita nila kaming pababa, kaagad na tumayo sa puwesto niya si Hideo at naglakad upang salubungin ako.

“Are you okay?” tanong niya sa ’kin.

Tipid naman akong tumango at ngumiti sa kaniya. Mayamaya ay binalingan ko ng tingin si Manay. “Um, s-si Hideo po pala Manay Salve. A-asawa ko po.”

Kitang-kita ko kung paano mangunot ang noo nito dahil sa sinabi ko. Like what I’m expecting... magugulat nga ito kapag sinabi ko rito na may asawa na ako. Well, nakakagulat naman kasi talaga. Ilang linggo lang akong nawala sa bahay tapos pagbalik ko may asawa na akong kasama.

Tiningnan ni Manay si Hideo, mula ulo hanggang paa. Si Hideo naman ay seryoso lamang na nakatingin kay Manay Salve.

“A-asawa mo siya, hija? P-paanong nangyari?” nagtatakang tanong nito at mayamaya ay tinapunan din ng tingin si Giuseppe na tahimik lamang habang nakatingin sa kinaroroonan namin.

“Manay, ’tsaka ko na lang po sa inyo sasabihin ang lahat,” sabi ko. “Kailangan na rin po kasi naming umalis. But don’t worry po... magkikita pa naman po tayo ulit. Basta, mag-iingat po kayo rito.” Ginagap ko pa ang kamay nito na nakahawak sa braso ko. Malungkot akong ngumiti rito ’tsaka ito muling niyakap nang mahigpit. “I miss you po, Manay Salve.”

“Namiss din kita, hija. Mag-iingat ka rin, a! Huwag mong pababayaan ang sarili mo.”

“Opo Manay. Mag-iingat po ako.”

“Let’s go.”

Hinawakan ni Hideo ang baywang ko ’tsaka ako iginiya palabas ng bahay namin. Nakasunod naman sa amin si Manay Salve habang kausap nito si Giuseppe. Nang makalabas na kami ng main door, huminto naman sila ilang hakbang mula sa amin ni Hideo. Tinitigan ko pa silang dalawa. Mukhang seryoso ata ang pinag-uusapan nilang dalawa. Hanggang sa tumingin sa direksyon ko si Giuseppe, mayamaya ay ganoon din si Manay Salve. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay sumunod na rin silang dalawa palabas.

“Mag-iingat kayo. Lalo ka na, hija.”

Muli akong lumapit rito at masuyong hinawakan ang mga palad nito. “Bye po, Manay Salve. Kayo na po ang bahalang magsabi kay papa kung bakit hindi ako puwedeng magtagal dito sa bahay at hindi ko pa siya madadalaw ngayon sa puntod niya. I hope... he will understand me.”

“Maiintindihan ka ng papa mo, hija. Basta alagaan mo ang sarili mo.”

Muli akong yumakap dito nang mahigpit bago lumapit ulit kay Hideo.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon