CHAPTER 9

981 25 7
                                    

HINDI ako sigurado kung may isang oras na ba simula nang iwanan ako ni Hideo sa boutique na ito kasama ang maarteng babae na ito. Ang limang body guards niya ay nakasunod naman sa lahat ng galaw at kilos ko.

Halos nalibot na rin namin ang buong shop na ito. Wala akong ibang ginawa kun’di ang maglakad at sumunod lamang sa Sam na ito. Kanina ay sinabihan ako nito na mamili at kumuha raw ako ng mga damit at mga gamit na gusto ko, kasi iyon daw ang utos ni Hideo, pero hindi ko naman sinunod iyon. Kumuha lamang ako ng ilang pares na damit, mga undergarments at pantulog ko. Iyon lamang at wala ng iba. Iyon lang naman ang mas kailangan ko e! Bakit pa ako kukuha ng mga mamahaling damit at gamit doon, e hindi ko naman iyon magagamit? Nakakulong lang naman ako sa bahay niya. Para saan pa at kukuha ako ng mga magagandang damit? Pero nagpumilit naman si Sam. Ang sabi nito sa akin, ito raw ang pagagalitan ni Hideo kung hindi ko susundin ang mga sinabi nito. Kaya hayon, wala na rin akong nagawa nang ito na mismo ang namili ng damit para sa akin.

“Come here, Ysolde!”

Tawag nito sa akin nang maglakad na ito palapit sa shelves ng mga heels at sandals.

“You choose!”

Bahagya naman akong natawa ng pagak nang tumitig ako rito. “Are you kidding me?” tanong ko. “Why do I even need to choose heels? E, wala naman akong paggagamitan diyan. Nakakulong lang naman ako sa bahay ng Hideo na ’yon.” Asik ko rito at pinaikot ko pa ang mga mata ko kasabay niyon ang pagbuntong-hininga ko ng malalim.

I could clearly see her letting out a deep sigh too as she turns her back on me.

“You don’t know Hideo. And I’m sure... hindi mo gugustohing magalit siya ng tuluyan sa ’yo.” Anito.

Nangunot naman ang noo ko habang nakatitig pa rin sa direksyon nito. Mayamaya ay nagsimula na rin itong kumuha ng ilang pares ng heels at flat shoes.

“Come, try these on.”

Bumuntong-hininga na lamang ako ulit at naglakad na palapit sa upuang naroon sa gilid. Pagkaupo ko roon ay ’tsaka naman ibinigay sa akin ni Sam ang heels at flat shoes. I don’t have any choice kun’di isukat nga ang mga iyon. Oh God! I really love shopping. Laman ako lagi ng malls at mga boutique noon pa man. Kami lagi ni Shiloh ang magkasama para mag-shopping. I love collecting new dresses, bags, shoes, heels and etc. And I would be happy now to buy clothes, shoes and everything... if my situation was not like this. Pero isa akong preso, isa akong bihag ni Hideo. Paano ako magiging masaya ngayon?

“This suits you!”

Ibinigay sa akin ni Sam ang isang black high heels na may taas na four inches. And yeah... I love it. Hindi ko pa man naisusukat iyon, pero gustong-gusto ko na iyon.

Hindi ko agad iyon kinuha mula sa kamay nito, sa halip ay tiningnan ko ito ng seryoso.

“What? Hindi mo ba gusto?” tanong nito. “You can choose whatever you want.” Itiniro pa nito ang ibang mga shelves na naroon na puno rin ng mga mamahaling heels na naka-display.

“T-that’s okay!” saad ko at kinuha ang heels na hawak nito. Isinukat ko nga iyon. And the size is fit. Kasyang-kasya sa ’kin.

Ilang pares pa ng heels o tacones ang ibinigay sa akin ni Sam. Lahat ng mga isinukat ko ay itinabi nito at isinilid naman sa paper bag ng dalawang sales lady na naroon.

Aangal na sana ako kasi hindi ko naman gusto na kunin ang mga ’yon... hindi ko kailangan ang mga iyon, pero inunahan na ako ni Sam.

“Just keep it kung hindi mo isusuot. Ayoko lang na suwayin ang utos ni Hideo sa ’kin.” Saad nito at tumalikod muli at iniwan ako.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon